^

PSN Opinyon

Da King buking

- Al G. Pedroche -
MAHIRAP talaga ang kandidato sa pagka-presidente. Tiyak, ang lahat ng kaliit-liitan mong sikreto ay mabubuking. Dapat lang dahil sa pagpili ng lider, kailangang malaman ng taumbayan ang kalidad ng mga kandidato. Kumakalat na naman ngayon na parang alimuom na bukod sa 22-anyos na lovechild sa dating aktres na si Ana Marin ni presidentiable Fernando Poe, Jr. meron pa itong limang anak out of wedlock na pilit ikinukubli sa publiko. Kabilang dito ang anak niya na tinatayang 30-taong gulang sa dating aktres na si Monica nung dekada 60.

Mayroon din siya diumanong 13-anyos na anak na babaeng nagngangalang Lovely na nag-aaral sa Poveda na bunga ng pagmamahalan niya at ng dating leading lady niyang si Rowena Moran. Bukod diyan ay mayroon pa siyang supling sa isang non-showbiz person na ang panga-lan ay Amelia.

Ang pang-apat ay anak ni Da King diumano sa isang Cebuana samantalang ang panlima ay anak niya sa isang taga-Baguio.

Kaya pala si Da King at si ex-president Erap ay magkaibigang karnal. Iisa ang hilig. Ngunit mabuti-buti pa si Erap porke lahat ng mga naging lovechild niya ay kinilala at inaruga. Uups, teka, mayroon palang isang hindi kinilala kaya sumuportang bigla kay President Gloria nung EDSA dos. Yung bang isang Mutya ng Kalookan na nai-feature pa natin sa PSN noon.

Pilit binubulatlat (for confirmation) ng mga mausisang reporters ang bagay na ito from FPJ pero ang sagot niya’y "huwag na nating saktan ang kanilang mga damdamin."

What?
Aba, mas masakit yata para sa isang anak na itatwa ng sariling ama, di ba? Sana ito ang ma-realize ni FPJ. Mas hahanga sa kanya ang tao kung aaminin ang madilim na kahapon. Sabi nga ng barbero kong supporter ni Bro. Eddie Villanueva, "ganyang klase ba ang gusto nating maging Pangulo? Bukod sa ayaw kilalanin ang mga anak sa labas ay ayaw pang humarap sa debate?"

vuukle comment

ANA MARIN

ANAK

BUKOD

CEBUANA

DA KING

EDDIE VILLANUEVA

ERAP

FERNANDO POE

PRESIDENT GLORIA

ROWENA MORAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with