^

PSN Opinyon

Kawalan ng panlasa

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
MARAMING dahilan kung bakit nawawalan ng gana o panlasa ang isang tao. Kabilang dito ang travel sickness, pagkakaroon ng sipon, depression at eating the wrong kind of food. Kapag ang kawalan ng panlasa ay tumagal nang isang linggo, makabubuting kumunsulta na sa doktor.

Nagkakaroon ng panlasa o appetite dahil sa tinatawag na appestat. Ito yung sensory area ng utak na nagkakalkula at naghahatid ng hormones para ipabatid sa katawan na oras na para kumain. Kapag ang appestat ay nag-malfunction dahil sa unbalanced diet, mahinang kalusugan at hormone unbalanced, maling messages ang maihahatid sa katawan. Ang resulta, kahit na ang isang well-fed person ay makadarama ng labis na pagkagutom o ang iba ay makararanas naman ng kawalan ng panlasa.

Kung ang kawalan ng panlasa ay dahil sa isang simpleng disorder gaya ng hangover o indigestion, ang panlasa ay magbabalik kaagad kapag nanumbalik na ang katawan sa dating kondisyon. Kung kumakain ng lot of snacks na nakasisira sa eating pattern, panumbalikin ang panlasa sa pamamagitan ng pagkain ng prutas gaya ng saging.

Ang kawalan ng panlasa ay dahil sa kakulangan ng zinc at potassium. Pinahihina nito ang function ng appestat at nare-reduce ang desire para kumain. Ang mga pagkain na mayaman sa zinc ay ang alimasag, talaba, hipon, lean meat at poultry products. Dahilan din ng kawalan ng panlasa ang excessive intake ng Vitamin D, however, this is unlikely to occur unless the vitamin is taken in tablet form. Ang kakulangan naman sa zinc ay nangyayari kapag sobra sa pagkain ng bran, pagtake ng iron supplements o dahil sa pag-inom ng sobrang alak. Zinc reserves are also depleted by physical exercise, stress and the periods of rapid growth during puberty.
* * *
Sa mga may katanungan kay Dr. Elicaño, maaari po kayong sumulat sa ganitong address:

WHAT’S UP DOC?

Dr. Tranquilino Elicaño Jr.

Pilipino Star NGAYON

202 Roberto Oca cor. Railroad Sts.

Port Area, Manila

DAHILAN

DR. ELICA

DR. TRANQUILINO ELICA

KAPAG

PANLASA

PILIPINO STAR

PORT AREA

RAILROAD STS

ROBERTO OCA

VITAMIN D

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with