Di dapat matakot si Da King sa debate
February 28, 2004 | 12:00am
MATAGAL-TAGAL na ring pinag-uusapan ang pagtatanghal ng debate sa sasalihan ng mga presidentiables upang maiprisinta ng pormal ang kani-kanilang mga plataporma de gobyerno at mapagtalakayan ang ilang isyu na may kinalaman sa bansa at mamamayan. Napakagandang pagkakataon ito upang sila ay mapakinggan.
Subalit hindi maiayos ang debate sapagkat mayroong mga presidentiables na hindi pa masiguro kung sasali sila. Nagpasabi si Raul Roco na handa siyang makibakbakan. Ganoon din si Bro. Eddie Villanueva. Pati ang businessman na si Eddie Gil ay malakas ang loob na makikipagdakdakan. Wala rin daw problema kay Ping Lacson.
Ang hindi interesado na makipag-debate ay si Fernando Poe, Jr. Sinabi nitong sayang lang daw ang oras upang magsatsatan at magpagandahan ng pagsasalita. Mahalaga raw para sa kanya ang umaksyon na lamang kung ano ang makakabuti sa bansa at taumbayan. Aniya ay alam na ng mga Pilipino kung ano ang magagawa niya upang umunlad at maiayos ang kalagayan ng bansa. Idinagdag pa ni FPJ na baka hindi sila magkaintindihan sa pakikipag-debate. Hindi naman sasali si President Gloria Macapagal-Arroyo sa debate kung wala si Da King.
Bakit kaya iwas-pusoy si FPJ sa debate? Hindi siya dapat matakot kung mas magaling magsalita sa kanya ang mga katunggali at mas maganda ang plataporma. Ang mahalaga ay naroroon siya at ipinapakitang hindi siya natatakot humarap kanino man. Ipakilala niya na hindi lamang popularidad ang panlaban niya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended