^

PSN Opinyon

Pag-aayuno

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG mga tagasunod ni Juan Bautista ay lumapit kay Jesus at nagtanong kung bakit ang kanyang mga alagad ay hindi nag-aayuno. Ang mga Pariseo ay nag-aayuno rin.

Paano ito ipinaliwanag ni Jesus sa kanila? Basahin ang Mateo 9:14-15.

Lumapit kay Jesus ang mga alagad ni Juan Bautista at ang wika, "Malimit kaming mag-ayuno, gayon din ang mga Pariseo. Bakit po hindi nag-aayuno ang inyong mga alagad?" Sumagot siya, "Maaari bang magdalamhati ang mga panauhin sa kasalan habang kasama nila ang lalaking ikakasal? Kapag wala na siya, saka pa lamang sila mag-aayuno."


Si Jesus ay magpapakahirap sa bandang huli ng kanyang buhay. Kapag namatay, siya’y mabubuhay na muli at babalik sa langit. Iyon ang panahon na ang mga alagad ay mag-aayuno. Mag-aayuno sila upang tularan si Jesus.

Para sa ating mga sarili sa buong panahon ng Kuwaresma, tayo’y nag-aayuno lamang at hindi kumakain ng karne sa panahon ng Miyerkules ng Abo at sa Biyernes Santo. Sa mga Biyernes ng Kuwaresma ay hindi tayo hinihingan na mag-ayuno at hindi kumain ng karne. Kung tayo nama’y mag-aayuno at hindi kakain ng karne sa mga Biyernes ng Kuwaresma, iyon ay sa sariling kusa at pagpapasya na lamang natin.Tayo ay nag-aayuno bilang pagpapakita ng ating pagmamahal sa ating Panginoon.Tinutularan natin siya, sa ating munting paraan, sa pamamagitan ng pag-aayuno at hindi pagkain ng karne. Maaari rin tayong mag-ayuno sa pamamagitan ng hindi paninigarilyo, hindi panonood ng sine, o sa pagbabawas ng ating panahon sa panonood ng telebisyon.

AAYUNO

BIYERNES

BIYERNES SANTO

JUAN BAUTISTA

KAPAG

KUWARESMA

MAAARI

MAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with