^

PSN Opinyon

Ang tunay na diwa ng EDSA

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
SA darating na Miyerkules ay muli na naman nating ipagdiriwang ang anibersaryo ng EDSA. Sa araw na ito ay muling manunumbalik ang alaala ng makasaysayang araw na nagpatunay sa kapangyarihan ng kolektibo at mapayapang pagkilos upang magkaroon ng reporma at pagbabago sa ating lipunan.

Ang tunay na diwa ng EDSA ay hindi lamang ang pagpapatalsik sa isang diktadura at pagtapos sa pagmamalabis ng isang rehimeng tumalikod sa kapakanan ng sambayanan. Ang tunay na diwa ng EDSA ay ang pagsama-sama ng lahat ng Pilipino, mayaman man o mahirap, upang muling magsimula. Ang tunay na diwa ng EDSA ay ang pangingibabaw ng pag-ibig sa bayan at pagmamalasakit sa kapakanan ng bawat Pilipino. Ang tunay na diwa ng EDSA ay ang pakikipaglaban para sa isang pamahalaang tapat sa sambayanan.

Marami sa ating mga kabataan ngayon ay maaaring hindi lubusang nakakaintindi sa kahalagahan ng EDSA sa ating kasaysayan at sa mga karanasang napagdaanan ng ating bansa at ng ating lipunan. Ngunit ang araw na ito ay magandang pagkakataon upang magbalik-tanaw sa kasaysayan upang sa gayon ay hindi natin malimutan ang tunay na diwa at aral ng EDSA.

Hinangaan ang Pilipino sa pamamaraang ginamit sa EDSA, walang dahas, walang karahasan. Tinularan tayo ng iba nating bansa sa Timog Asya na nagnais ding kumawala sa mga mapaniil na rehimen. Sana ay manatiling buhay sa ating isipan at diwa ang tunay na kahalagahan ng EDSA.

ATING

DIWA

EDSA

HINANGAAN

MARAMI

MIYERKULES

NGUNIT

PILIPINO

SANA

TIMOG ASYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with