^

PSN Opinyon

4 na kongresista, nanghipo at nambastos ng mga starlet at models

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang may lahi palang bastos ang ilang kongresista?

Ayon sa aking bubuwit, 84 days na lang at eleksiyon na.

Happy birthday muna kay Col. Willy Dulay, Junjun Tolentino, Go Alfalia at Albert Acosta.
* * *
Alam n’yo bang binastos ng ilang kongresista ang ipina-deliver nilang models at starlets sa Discovery Hotel sa Mandaluyong City.

Ayon sa aking bubuwit, itong ilang kongresista na akala mo ay kagalang-galang kapag nasa loob ng Kongreso ay lahi pala ng mga bastos at walang modo.

Ayon sa aking bubuwit, noong February 11, dakong 9:00 p.m. ay nagpa-deliver ang mga kongresista ng mga magagandang chiching.

Ito yung mga chiching na nagmo-model at nag-aartista pero suma-sideline rin sa pagde-deliver ng short time na aliw.

Ang limang chiching ay dinala ng kanilang Mama Sang sa mga kongresista na nasa Discovery Hotel sa Mandaluyong City.

Ayon sa aking bubuwit, nang dumating ang limang starlets at models sa Discovery Hotel, nahalata na nilang magulo na ang mga kongresista.

Ang iba ay lasing na at yung iba naman ay parang may tama. Kung anong tama ang ibig sabihin eh hindi natin matiyak kung tama sa droga. Dinatnan na rin nila ang iba pang chiching na ipinadeliver at pinagpipilian ng mga kongresista.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, nang maka-upo na ang mga chiching, lumalabas na ang pagka-manyakis ng mga kongresista.

Andiyan na yung hinihipuan yung mga babae. May nagpipisil ng mga boobs, tinatanong kunwari kung tunay o peke ang kanilang mga bumpers at saka sila nagtatawanan.

Mga hinayupak kayong kongresista kayo!

Hindi porke nagbebenta ng aliw o pokpok itong mga chiching na ito, igalang n’yo naman sila.

Kung magkasundo kayo e di mag-carnal knowledge kayo hanggat gusto ninyo, pero huwag n’yo naman silang babuyin.

Palibhasa lasing at high na itong mga kongresista, ginawang laruan ’yung mga kababaihan. Mga bastos!

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa ginawang pambabastos ng mga kongresista nag-walkout ang limang chiching. Hindi nila sukat akalain na ang mga kongresistang napapanood nilang kagalang-galang ay mga bastos at manyakis pala.

Sila ay mga bata pang kongresista.

Ang dalawa ay kongresistang re-electionists mula sa Mindanao at ang dalawa ay kongresista naman sa Metro Manila.

Yung isa ay re-eleksiyunista at yung isa naman ay kandidato sa pagka-City Mayor.

Mga bastos!

vuukle comment

ALBERT ACOSTA

AYON

CHICHING

CITY MAYOR

DISCOVERY HOTEL

GO ALFALIA

KONGRESISTA

MANDALUYONG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with