^

PSN Opinyon

Gustong mag-housing loan sa Pag-IBIG

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
Dear Sec. Mike Defensor,

Ako ay isang pangkaraniwang empleyado ng gobyerno at kasalukuyang nangungupahan lamang dito sa Sampaloc, Manila nagbabalak akong mag-housing loan sa Pag-IBIG upang magkaroon ng sariling bahay. May maliit na lupain ang aking mga magulang sa Cavite at balak kong tayuan lamang ng simpleng bahay. Limang taon na akong miyembro ng Pag-IBIG subalit gusto ko sanang malaman, kung sakali pong makakautang po ako ng P500,000. Magkano po ang aking ihuhulog buwan-buwan? Gaano ko katagal itong babayaran? Maaari ko ba itong bayaran sa loob ng 10 o 15 taon? –ALICIA P.


Kung limang taon ka ng miyembro ng Pag-IBIG, maari ka nang mag-housing loan. Ang housing loan na P500,000 ay papatawan ng interes na 10% kada taon, ito ay mas mababa kumpara sa interes ng maraming banko. Ang halagang ito ay maaaring bayaran sa loob ng 5,10,15,20,25 o 30 taon.

Kung gusto mong bayaran ang inyong loan sa loob ng 10 taon, ang buwanang bayad ay abot sa humigit P6,700 subalit ito lamang ay para sa principal na pagkakautang at interes. Tataas pa ito ng bahagya para sa bayad ng fire insurance at Mortgage Redemption Insurance (at kontribusyon ay isasama rin). Kung babayaran naman ang utang na ito sa loob ng 15 taon, ang buwanang amortisasyon ay aabot sa humigit P5,400 para lamang sa principal at interes. Idadagdag din dito ang bayad sa fire insurance, MRI (at dagdag na halaga sa pag-upgrade ng kontribusyon). Para sa mas eksaktong pagkukuwenta at karagdagang impormasyon, maari kayong tumawag sa tanggapan ng Housing Loans Origination ng Pag-IBIG sa 848-8228, 811-41-94. Hinihikayat kitang dumalo sa loan counselling na isinasagawa sa Makati o Ortigas Branch ng Pag-IBIG upang masagot ang iyong mga katanungan.

CAVITE

DEAR SEC

GAANO

HINIHIKAYAT

HOUSING LOANS ORIGINATION

MIKE DEFENSOR

MORTGAGE REDEMPTION INSURANCE

ORTIGAS BRANCH

PAG

TAON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with