Tinanggihan
February 4, 2004 | 12:00am
MAYROON tayong kasabihan "Ang pagiging pamilyar ay nagbubunga ng pag-alipusta." Ito ang mismong nangyari kay Jesus sa kanyang sariling bayan ng Nazaret. Kilala siya ng kanyang mga kababayan, mga kaanak subalit hindi nila alam kung sino si Jesus. Narito ang salaysay kung paano tinanggihan at inalipusta si Jesus (Mark 6:1-6).
Umalis doon si Jesus at nagtungo sa sariling bayan, kasama ang kanyang mga alagad. Pagdating ng Araw ng Pamamahinga, nagturo siya sa sinagoga. Nagtaka ang maraming nakarinig sa kanya at nagtanong, "Saan niya nakuha ang lahat ng iyan? Anong karunungan itong ipinagkaloob sa kanya? Paano siya nakagagawa ng mga kababalaghan? Hindi ba ito ang karpinterong anak ni Maria, at kapatid nina Santiago, Jose, Judas, at Simon? Dito nakatira ang kanyang mga kapatid na babae, hindi ba?" At siyay ayaw nilang kilanlin. Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, "Ang propetay iginagalang ng lahat, liban lamang ng kanyang mga kababayan, mga kamag-anak, at mga kasambahay."
Hindi siya nakagawa ng anumang kababalaghan doon, maliban sa pagpapatong ng kanyang kamay sa ilang maysakit upang pagalingin ang mga ito. Nagtaka siya sapagkat hindi sila sumampalataya.
Ang Nazaret ay walang-katiyakang lugar na pagmumulan ng Mesias. Dagdag pa, si Jesus ay isang pangkaraniwang karpintero. Hindi siya maaaring maging Mesias. Ang kanyang ina at mga kaanak ay mga kilala ng mga taga-Nazaret.
Ipinalagay nila kilala nila si Jesus. Ang kanilang di-matuwid na opinion tungkol kay Jesus ang siyang nagpakitid sa kanilang mga puso upang tanggapin si Jesus. Ang kakitiran ng kanilang mga isip at puso ang naging hadlang sa kanilang pananampalataya.
At tayo naman, tanggap ba natin si Jesus bilang Siya? Gaya ng pagsasalarawan sa kanya ng Ebanghelyo? Hayaan ninyong lumawig ang inyong mga isip at puso upang matanggap ninyo si Jesus sa inyong kalooban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended