^

PSN Opinyon

Sino ang dapat managot? Paging LTFRB

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
HUMIHINGI ng despensa ang mga kuwago ng ORA MISMO sa pamilya ng mga nasawi at nasugatan na mga pasahero sa South Luzon Expressway noong Enero 7, 2004 ng madaling-araw. Ngayon lang natanggap ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sulat na ipinadala sa atin.

Ang isyu, may anim katao ang nasawi sa naganap na aksidente sa SLEX noong Enero 7, ng madaling araw. Mahigit sa 20 passengers ang nasugatan nang biglang tumawid sa ibang linya ang Barney Auto Lines na may plakang DXB-775 at may body number 55685.

Ang Barney bus ay galing sa Guinyangan, Quezon papuntang Alabang nang ito ay maaksidente at padausdos na sumadsad papunta sa ibang linya at aksidenteng nabangga pa ang isang trak na may plakang UIZ-885.

Kaya naman anim ang namatay na pasahero at sandamakmak ang nasugatan.

Sa impormasyon natin ang Barney Bus ay may linyang Guinayangan, Quezon – Batangas City pero nasa pagitan ng Laguna at Metro Manila nang mangyari ang malagim na aksidente.

Ika nga, out of route. Sino ang dapat managot dito? Anong ahensiya ng gobyerno ang dapat magpatupad ng batas sa mga ganitong situwasyon?

Marami ng nangyaring kahalintulad ng mga ganitong aksidente ang hindi man lang naaksyunan ng pamahalaan. Hustisya ang hiningi ng mga pamilya ng na-aksidente.

Ito ang nilalaman ng sulat na natanggap ng mga kuwago ng ORA MISMO.

Siguro si LTFRB chairman Elena Bautista ang dapat gumawa ng hakbang para maimbestigahan ang kasong ito.

May mga tsuwawa ang mga kuwago ng ORA MISMO, na kaya raw malakas ang loob ng may-ari ng Barney Auto Lines na bumiyahe ng out of line route ay dahil sa kababayan at kamag-anak umano ni DOTC Secretary Leandro Mendoza ang owner nito.

Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ay hindi ilalagay sa alanganin ni Larry Boy ang kanyang daliri para sa ganitong kalokohan?

May nagbulong pa sa mga kuwago ng ORA MISMO, na marami raw nagmamay-ari ng Barney at pare-pareho ang kulay na ginagamit?

‘‘One color scheme for one operator ang dapat,’’ anang kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Dapat sa nasabing aksidente ay may managot,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Aabatan natin ang imbestigasyon hinggil dito,’’ patawang sabi ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Iyan ang aabangan natin, kamote.’’

ANG BARNEY

BARNEY AUTO LINES

BARNEY BUS

BATANGAS CITY

ELENA BAUTISTA

ENERO

LARRY BOY

METRO MANILA

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with