^

PSN Opinyon

Hindi pag-aari ng mga Kristiyano ang Diyos

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
SA Ebanghelyo ngayong araw na ito, ipinakikita sa atin ni Lukas kung paano pinilit si Jesus ng mga taga-Nazaret na gumawa rin ng mga himala para sa kanila, gaya nang paghihimala ni Jesus sa Capernaum. Basahin ang Lukas 4:21-30).

Sinabi niya sa kanila: "Natupad ngayon ang bahaging ito ng Kasulatan samantalang nakikinig kayo." Pinuri siya ng lahat, at namangha sila sa kanyang napakahusay na pananalita.

"Hindi ba ito ang anak ni Jose?" tanong nila. Kaya sinabi ni Jesus, "Walang pagsalang babanggitin ninyo sa akin ang kawikaang ito: "Doktor, gamutin mo ang iyong sarili!" Sasabihin din ninyo sa akin, "Gawin mo naman sa iyong sariling bayan ang mga nabalitaan naming ginawa mo sa Capernaum." At nagpatuloy ng pagsasalita si Jesus, "Tandaan ninyo: Walang propetang kinikilala sa kanyang sariling bayan.

Ngunit sinasabi ko sa inyo: Maraming babaing balo sa Israel noong kapanahunan ni Elias nang hindi umulan sa loob ng tatlong tao’t kalahati at magkaroon ng matinding taggutom sa buong lupain. Subalit hindi sa kaninuman sa kanila pinapunta si Elias kundi sa isang babaing balo sa Sarepta, sa lupain ng Sidon. Sa dinami-dami ng mga ketongin sa Israel noong kapanahunan ni Eliseo, walang pinagaling isa man sa kanila; si Naaman pang taga-Siria ang pinagaling." Galit na galit ang lahat ng nasa sinagoga nang marinig ito.

Tumindig sila, at ipinagtabuyan siyang palabas, sa taluktok ng burol na kinatatayuan ng bayan, upang ibulid sa bangin. Ngunit dumaan siya sa kalagitnaan nila at umalis.


Naniniwala ang mga taga-Nazaret na si Jesus, dahilan sa siya’y mula sa kanilang bayan, ay para sa kanila. Inaasahan nila na maghihimala rin siya para sa kanila. Na kanilang pag-aari si Jesus. Siya ay Mesias para sa kanila. At hindi para sa iba.

Dapat tayong mag-ingat sa paraan ng ating pagtanggap at paggamit kay Jesus.

Si Jesus bilang Diyos ay hindi para sa atin lamang na mga Kristiyano. Siya’y naparito upang iligtas ang lahat ng tao. Si Jesus ay Tagapagligtas at Panginoon ng lahat.

CAPERNAUM

ELIAS

JESUS

KANILA

LUKAS

NAZARET

NGUNIT

SI JESUS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with