Paging NSO
January 31, 2004 | 12:00am
GUSTO kong bigyang daan ang sulat ng isang concerned citizen na may reklamo laban sa Civil Registration Operation Division ng National Statistics Office (NSO).
Dear Mr. Pedroche,
Marami na ang umaangal sa kapalpakan ng Civil Registration Operation Division ng National Statistics Office lalu na sa hepe nito na si Ms. Editha Orcilla. Sigaw nilay sibakin si Orcilla dahil sa palpak niyang pamamalakad.
Humigit kumulang sa dalawampung kabataan na kukuha sana ng eksamen sa Professional Regulatory Board sa Pebrero 7-8 ng taong ito ang umistambay hanggang sa susunod na pagbibigay ng eksamen sa Agosto 2004. Ang dahilan di sila pinayagang maging examinees ngayon.
Sa anong dahilan? Gawin nating ehemplo ang kaso ni Conrado Santiago Villaver na isa lamang sa marami pang may katulad na problema. Requirement ng PRB na magsumite ng kinakailangang papeles ang mga examinees "two to three weeks" bago ang takdang pagsusulit. Isa sa kailangang papeles ang birth certificate. Dahil ditoy kumuha ng kopya ng birth certificate si Villaver sa NSO sa East Ave., Quezon City noong Enero 16. Nang dalhin niya sa PRB noong Enero 19 sa Lepanto, Manila, napansin ng processor na taliwas ang application for examination niya ang nakasulat na taon ng kapanganakan. 1976 sa halip na 1975. Hindi naaprobahan ang aplikasyon.
Nagpunta si Villaver sa Civil Registry Office sa QC dahil isinilang siya sa East Ave. Medical Center upang idulog ang problema. Nalaman ni City Civil Registrar Ramon Matabang na tanggapan nila ang nagkamali sa pagkakasulat ng maling taon ng kapanganakan sa birth certificate. Kaya gumawa ng opisyal na kalatas si Matabang upang ituwid ang pagkakamali. Pero itoy hindi pa rin kinilala ng tanggapan ni Ms. Orcilla.
Maraming katulad ni Villaver ang nasa ganitong kalagayan at ang tanong ng mga pobreng kabataang itoy bakit ibinibitin ang kanilang pagkakataong makakuha ng eksamen na diyay nakasalalay ang kanilang kinabukasan?
Sanay magising ang mga nagpapalakad sa NSO.
Gumagalang
Enrico Juino
Umaasa rin ako na nakaabot sa kaalaman ng NSO ang hinaing na ito na binibigyang daan natin sa kapakanan ng maraming kabataang nagkakaroon ng problema sa kanilang mga dokumento ng kapanganakan. Malay nyo, baka dumating ang araw na tumakbo sila sa public office at tulad ni Fernando Poe Jr. ay makuwestyon ang kanilang pagkamamamayan?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest