^

PSN Opinyon

Hindi maawat ang prostitution (Huling bahagi)

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAHIRAPAN at walang makuhang trabaho ang dahilan ng halos lahat sa mga pumalaot sa tinaguriang ‘‘world’s oldest profession’’

Nag-stow away si Lilian dahil sobrang malupit ang kanyang madrasta. Nagpalabuy-laboy siya hanggang sa may makialang bugaw na nagdala sa kanya sa sex trade.

Dating macho dancer si Mark pero nag-full time call boy siya dahil mas malaki ang kita. Pinakamaliit na takehome pay niya sa magdamag ay P1,500. Mga bading at matrona ang parokyano ni Mark. Si Leonard naman ay estudyante sa araw at call boy sa gabi. Sabi niya ay hihinto siya sa pagko-callboy kapag nakatapos siya sa kolehiyo.

Si Sharon, ang baklang dati ay beautician sa parlor ay mas enjoy sa pagiging ‘‘pick-up bading’’ sa Welcome Rotonda. Sabi ni Sharon, never siyang na-zero sa magdamag na pamamasada. Nagbibigay siya ng presyo sa kanyang serbisyo. Kung masturbation ay humihingi siya ng P300 to P200 at iba pang presyo niya sa oral at anal sex.

Ang bakla namang si Maurice aka Maui ay umeekstra sa TV at pelikula. Babaing-babae ang dating niya. Marami siyang naloloko dahil walang adam’s apple at babaing-babae ang boses. Mabenta siya sa mga Hapones at Taiwanese.

Isang hindi makakalimutang karanasan ng baklang si Enrico aka Rica (paborito niya si Rica Peralejo) ay nang maka-pick-up siya ng isang sadista. Nang malamang hindi siya babae ay bugbog-sarado ang inabot niya. Matagal ding hindi pumasada si Enrico este Rica pala.

Inamin ng mga prostitutes na na-interview ng BANTAY KAPWA na alam nila ang pinsala ng STD (sexually transmitted diseases) lalo na ang AIDS. Natatakot at nangingilabot sila pero helpless sila. Nababagansiya sila pero nakakapag-piyansa, namamahinga sandali tapos ay balik uli sa kanilang hanap-buhay.

vuukle comment

ENRICO

HAPONES

INAMIN

RICA

RICA PERALEJO

SABI

SI LEONARD

SI SHARON

SIYA

WELCOME ROTONDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with