^

PSN Opinyon

80 DH na nakakulong sa Riyadh,nagpapasalamat!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
UPDATE: Walang pinagkaiba ang Saudi Social Welfare Administration (SSWA) sa pangkaraniwang kulungan sa Riyadh. Walang karapatan ang sinumang nakakulong sa detention cell ng SSWA na gumamit o tumawag sa telepono.

Ito ang sumbong ni Tess sa akin matapos ko siyang makausap, hapon ng Miyerkules, mula mismo sa kanilang kulungan sa SSWA.

Nagawa naming tawagan si Tess upang kamustahin ang kalagayan nila sa pamamagitan ng kanilang pinag-iingatang puslit na cellphone sa loob ng kanilang detention cell.

Labis ang pasasalamat ng pobreng si Tess maging ang kanyang 80 mga kasamahang Pilipina domestic helpers (DH) na kasalukuyang nakakulong pa rin.

Pabulong na ikinuwento ni Tess sa kanyang cellphone na binibisita na sila ng ating mga taga-embahada sa Riyadh. Ito’y matapos ang sunud-sunod kong "pambobomba" sa kolum na ’to na nababasa sa website ng diyaryong ito.

Halos mapulbos sa kahihiyan yung mga dating "TANGA’T INUTIL" na mga naunang Labor Attache natin. Isa rito ang pamangkin ng dating Senador na si Santanina Rasul. Naglaho na lang ng parang bula ang "hinayupak"!

Hiling ni Tess na iparating ko sa ating pamahalaan ang kalagayan ng isa nilang kasamahan na si Helen Lopez. Kinaladkad daw si Helen ng walong Saudi police na parang hayop habang nagmamakaawa palabas ng SSWA patungo na ng bilangguan.

Wala sa listahan ang pangalan ni Helen Lopez sa opisyal na talaan ng DFA na ipinadala sa aking tanggapan nung nakaraang linggo. May balita raw silang puputulan na ng kamay si Helen dahil sa bintang na pagnanakaw ng kanyang amo na lumapastangan sa kanya. Maganda raw itong si Helen ayon kay Tess.

Mapapanood n’yo na ang BITAG sa primetime sa bagong tahanan nito ang IBC-13 simula sa Sabado ika-7 ng Pebrero, 7:00-8:00 ng gabi!

Marami ang mga nagpapayo sa amin, mali raw ang hakbang ng BITAG sa gagawin nitong "pakikipag-sabayan" at "harap-harapang" labanan ang higante sa larangan ng imbestigahan.

Ang babala nila, mahirap daw tapatan ang itong "sumbungan ng bayan" ang "Imbestigador". Puwes! Eto ang BITAG naghahanap ng makakatapat. Dito makikita ng mga manonood ang pagkakaiba at may "mahuhubaran"!

Sa loob ng isa’t kalahating taon sa ABC-5 marami na kaming mga exclusive na mga istorya. Tinangkang trabahuhin ng mga higanteng network subalit hindi nila nagawa.

Mga istoryang kaakibat ay panganib. Isa rito ang hindi naming makalimutan ang madugong bakbakan noong Marso sa pagian ng mga pulis-militar laban sa New People‘s Army (NPA) sa Pandi Bulacan.

Nasa gitna ang BITAG habang nagaganap ang aktuwal na mga pangyayari, walang takot na dinodokumento ang lahat, maiparating lang ang katotohanan sa mga manonood.

Marami na kaming ginawang matagumpay na mga surveillance at undercover operations kasama ang mga alagad ng batas. Nag-iwan ng kakaibang tatak sa mga nakasama namin.

Bilang pamamaalam sa ABC-5, ang lahat ng ito‘y mapapanood niyo bukas sa aming huling espesyal na episode, mula 6:00-6:30 ng gabi. Panoorin!!.

Para sa inyong mga reaksiyon, sumbong at reklamo. I-text sa aming hotline # (0918) 9346417. I-type BITAG<space> COMPLAINTS<space> (message) at I-send sa 2333 (Globe/TouchMobile) O 334 (Smart/TalknText). o tumawag sa mga numero 932-53-10 at 932-89-19.

HELEN LOPEZ

ISA

LABOR ATTACHE

MARAMI

NEW PEOPLE

PANDI BULACAN

TESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with