Blow by blow account sa puslit na chicken sa Batangas Port (Part 2)
January 29, 2004 | 12:00am
MIYERKULES (January 21), inaabangan na pala ng mga taga-Department of Agriculture ang isang unidentified vessel na may dalang epektos at ibabagsak sa isang lugar sa Port of Batangas. Matindi kasi ang tsuwawa ng taga-DA. Kaya maaga pa lang, ready na sila sa operation puslitan.
Alam nilang walang import permit ito kaya man to man ang guarding sa impormasyon ng tsuwawa. Pati mga taga-Customs ay tinitiktikan ng grupo. Mga cellphones ang gamit nila para sa monitoring operation. Ika nga, nagastusan pa ang mga pobre.
Maaga pa lang ay hawak ng DA ang isang mensahe hinggil sa mga numero ng reefer vans at bilang nito na isasalya sa pampang. Alam na nilang chicken meat ang laman ng mga vans kaya properly coordinated ang grupo sa isang Major de Leon ng Anti-Smuggling and Intelligence and Investigation Center (ASIIC) para ipagbigay-alam na bandang 2:30 ang daong ng MV Brinkness ang barkong may lulan ng dressed chicken.
Positive ang shipments dahil sa impormasyon ng tsuwawa kaya naman matindi ang monitoring nila. Ang problema ay natakot ang mga ito na baka buhay nila ang kapalit sa mga manok na huhulihin nila. Wala kasing Major de Leon na dumating nang ipuslit sa puerto ang mga reefer vans. Ika nga, pakaang-kaang!
Sa madaling salita, namuti ang mga mata nila sa kahihintay ng saklolo. Siyempre hindi puwedeng magpa-bright-bright ang mga taga-DA para gumitna sa dadaanan ng mga reefer vans. Baka sila ang gawing litsong manok.
May mga pangalang isinisigaw sa puslitan blues ito ang inaabangan ng mga kuwago ng ORA MISMO. Pero positive operator pala si Egay Lanzones dahil ito ang nagpakalat ng pera para maipuslit ang illegal shipments.
Dapat ito ang trabahuhin nang todo ng intelligence community.
Masyado nang maraming binukulan si Egay Lanzones pati kabayo ng may kabayo ay kinabayo nito. Sa lifestyle check tiyak bagsak ito dahil ang kinita nito ay galing lahat sa pangungurakot.
"Kapos ang Chief Kuwago ng espasyo kaya sa susunod na issue tatalakayin natin ulit ang operation sa Port of Batangas," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Maraming sabit dito na nakinabang ng malaking pera."
"Sige sa susunod na kolum, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest