Ang talinghaga ng manghahasik
January 28, 2004 | 12:00am
Kung paanong lumalago ang binhing itinanim ay nakasalalay sa pinagtamnan nito. Ito ay malinaw na isinalarawan sa talinghagang ating pagninilayan ngayon.
Narito ang talinghaga ayon sa pagkakasalaysay ni Marko (Mk. 4:1-20).
Muling nagturo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. Pinagkalipumpunan siya ng napakaraming tao, kayat lumulan siya sa isang bangkang nasa tubig at doon naupo. Ang karamihan namay nasa dalampasigan, nasa gilid na ng tubig. At silay tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng talinghaga.Ganito ang sabi niya: Pakinggan ninyo ito! May isang magsasaka na lumabas upang maghasik. Sa kanyang paghahasik ay may binhing nalaglag sa daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. May binhi namang nalaglag sa kabatuhan. Agad sumibol ang mga iyon, sapagkat manipis lamang ang lupa doon; ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasay walang gaanong ugat. May binhi namang nalaglag sa dawagan; lumago ang mga dawag at ininis ang mga binhing tumubo kaya hindi makapamunga. At may binhing nalaglag sa matabang lupa, at itoy tumubo, lumago, at nag-uhay na mainam may uhay na tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tigsasandaan ang butil. Sinabi pa ni Jesus, Ang may pandinig ay makinig.
Nang nag-iisa na si Jesus, ang ilang nakarinig sa kanya ay lumapit na kasama ng Labindalawa, at hiniling na ipaliwanag ang talinghaga. Sinabi niya, Sa inyoy ipinagkaloob na malaman ang lihim tungkol sa paghahari ng Diyos; ngunit sa iba, ang lahat ng bagay ay itinuturo sa pamamagitan ng talinghaga. Kaya ngat Tumingin man sila nang tumingin ay hindi sila makakita. At makinig man nang makinig ay hindi makaunawa. Kung gayon, marahil silay magbabalik-loob sa Diyos at patatawarin naman siya;
Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus,Hindi pa ba ninyo nauunawaan ang talinghagang ito? Paano ninyo mauunawaan ang ibang talinghaga? Ang inihahasik ay Salita ng Diyos. Ito ang mga nasa daan, na nahasikan ng Salita: Pagkatapos nilang mapakinggan ito, pagdakay dumating si Satanas, at inaalis ang Salitang napahasik sa kanilang puso. Ang ibay tulad naman ng mga napahasik sa batuhan. Pagkarinig nila ng Salita, itoy agad nilang tinatanggap na may galak. Ngunit hindi naman ito tumitimo sa kanilang puso, kayat hindi sila nananatili. Pagdating ng kahirapan o pag-uusig dahil sa Salita, agad silang nanlalamig. Ang ibay tulad ng napahasik sa dawagan.
Dininig nga nila ang Salita, ngunit silay naging abala sa mga bagay ukol sa mundong ito, naging maibigin sa mga kayamanan, at mapaghangad sa iba pang mga bagay, anupat ang Salitay nawalan na ng puwang sa kanilang mga puso kayat hindi sila nakapamunga. Ngunit ang ibay tulad sa binhing napahasik sa matabang lupa: pinakikinggan nila at tinatanggap ang Salita, at silay nagsisipamunga may tigtatatlumpu, may tig-aanimnapu, at may tigsasandaan.
Ang kapalaran ng binhi o butil ay naaayon sa lugar na kinalalagyan nito. Kung itoy nalaglag sa daanan, madali itong matuka ng mga ibon. Kung itoy nahulog sa mabatong lugar, ang anumang sumibol dito ay madaling nanunuyo.
Ang binhi na lumagpak sa dawagan o matinik na lugar ay walang pagkakataong mabuhay.
Huminto nang sandali. Ang Salita ng Diyos ay naitanim sa inyong puso. Ito bay lumago sa inyo? Nadinig ninyo ang Salita ng Diyos, subalit ang mga suliranin at alalahanin sa buhay ay pumipigil na lumago ang Salita sa inyo. Natanggap ninyo ang Salita ng Diyos, subalit wala kayong panahon na pagnilayan ito. Nasasayang lamang ito. Hindi kayo nabibigyang-sustansiya.
Hindi. Maglaan kayo ng panahon na makinig sa Salita ng Diyos. Hilingin sa Espiritu Santo na bigyang-liwanag kayo. Maglaan kayo ng panahon upang makapanahimik.Makapanalangin.
Ang Salita ng Diyos ay espiritu at buhay. Buksan ang inyong puso sa Salita ng Diyos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest