^

PSN Opinyon

Dating sexy actress, madalas i-date ng congressman at PNP general

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang isang congressman at isang general ang halinhinang nagde-date sa isang dating sexy actress?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay dating Pangulong Cory Aquino, kay Bishop Tomas Millamena ng IFI at Mayor Jemly Fernandez ng Odiongan, Romblon.
* * *
Alam n’yo bang halinhinang idine-date ng isang congressman at isang general ang dating sexy actress?

Ayon sa aking bubuwit, dahil wala nang pelikula ang sexy actress, ito ay nagbebenta na ngayon ng short time na aliw, at kung magkano ang kanyang talent fee, huwag n’yo akong tatanungin sapagkat hindi ko rin alam.

Magkano nga kaya?

Ayon sa aking bubuwit, ang favorite hotel ng sexy actress ay hotel sa Makati City na malapit sa kahabaan ng EDSA at Pasay Road. Bakit kaya dito ang paborito ng actress?

Baka naman nagkataon lang na dito rin ang favorite ni Congressman at Mr. General.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, malakas ang loob ni congressman na mag-check inn doon kasama ang sexy actress.

Kasi, ang gamit pa niyang kotse ay yung sasakyan No. 8 ang plaka. Bukod diyan ay meron pa itong back-up car na kulay pula naman ang plaka.

Baka naman talagang idini-display ni Congressman kasi si dating sexy actress ang kanyang kasama.

Ang pakilala ni Congressman ay siya raw si Cong. Padiernos. Pero nang tingnan ko sa directory ng House of Representatives ay wala namang ganoong kongresista.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang general naman ng nagde-date kay sexy actress ay opisyal ng Philippine National Police.

Ayon sa aking bubuwit, nang huling mag-check inn si general at dating sexy actress ay nabulabog ang mga roomboy. Kasi maingay pala sa kama si sexy actress.

Ano ba kasi ang ginawa mo Mr. General, Sir? Hanep ka boy, ang tulis mo!

Anong sey mo Right Worshipful Gen. Jun Ebdane, Sir?
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil malapit sa elevator ang kuwarto ni General at ang sexy actress, dinig p’re hanggang sa labas ang halinghing ng dating actress.

Ang actress na halinhinang dinadala ni congressman at general sa isang hotel sa Makati City ay si Actress…

Siya ay morena, balingkinitan, mga 5’4’’ ang taas. Siya ay si actress L.M. as in Laging Maganda.

At ang PNP General naman ay walang iba kundi si General… kilala niyo ito Madam President Gloria.

Ito po ay si Gen. M. as in Matampuhin.

vuukle comment

ACTRESS

AKING

AYON

CENTER

GENERAL

MAKATI CITY

MR. GENERAL

SEXY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with