^

PSN Opinyon

Sangkaterbang TANGA at INUTIL na mga taga-embassy natin sa Riyadh!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
WALANG kamuwang-muwang ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga pinaggagawa ng ating mga sangkaterbang TANGA at INUTIL na mga kawani ng ating embahada sa Riyadh, Saudi Arabia.

Laking gulat ng mga taga-DFA nu’ng ipinarating ko sa kanila ang balitang mahigit-kumulang 80 domestic helpers ang kasalukuyang nakakulong sa detention cell ng Saudi Social Welfare Administration (SSWA).

Ang mga pobre ay biktima ng pang-aabuso at pagsasamantala ng kanilang mga amo. Hindi daw nila matiis ang kalbaryo kung kaya’t napilitan silang tumakas.

Karamihan sa kanila humingi pa raw ng tulong sa ating embahada. Pinayuhan daw sila ng mga staff ng ating Philippine Embassy na tumakas na lang.

Ang kanilang malaking pagkakamali, sinunod nila ang payo ng mga tinamaan ng lintek sa ating embassy. Hindi nila inaasahan, ang ating embahada pala ang maglalagay sa kanila sa kapahamakan.

Mismo ang ating embahada pa raw ang nag-endorso sa kanila sa SSWA kaya hanggang ngayon sila’y nagdurusa at nakakulong pa.

Hindi ko sana malalaman ang bagay na ‘to kung hindi sa tawag ni Rosie Novero sa aking cellphone noong Miyekules ng madaling-araw. Umiiyak at nagmamakaawa na tulungan ko sila.

Pinagpasa-pasahan nila ang naipuslit na cellphone sa loob ng kanilang selda. Noong una ayaw ko sanang maniwala. Aaminin kong nabulabog ako sa walang tigil na pagtunog ng aking cellphone sa kabilang kuwarto kaya nagising ako at naistorbo sa aking tulog.

AAMININ

ATING

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

KARAMIHAN

MISMO

PHILIPPINE EMBASSY

ROSIE NOVERO

SAUDI ARABIA

SAUDI SOCIAL WELFARE ADMINISTRATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with