^

PSN Opinyon

Arador sa tubuhan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
SI Tacio ay nagtatrabaho sa taniman ng tubo ni Doña Carmen mula pa noong 1961. Kasama niya ang kanyang asawang si Nena at dalawa pang trabahador na naninirahan sa nasabing hacienda. Nakaatas siyang anihin ang tubo, lagyan ng pataba ang lupa, alisan ito ng damo at maghukay ng kanal sa loob ng anim na araw kada linggo, apat na linggo sa isang buwan at labindalawang buwan sa loob ng isang taon. Nakakatanggap siya ng regular na sahod tuwing a diyes at a trenta sa minimum na halaga. Samantala, ang kanyang kontribusyon sa SSS at medicare ay binabawas na sa kanyang suweldo. Bukod pa sa kanyang trabaho, isa rin siyang arador sa taniman ng tubo sa minsanang pagkakataon.

Bilang arador, gamit niya ang kanyang sariling kagamitan at kalabaw.

Makalipas ang labinwalong taong serbisyo, namatay si Tacio. Nagsadya agad si Nena sa SSS upang alamin ang mga benepisyo at pensyon ng kanyang asawa na dapat ay matatanggap niya at ng kanyang mga anak. Subalit, taliwas sa inaasahan, hindi pala nakatala bilang empleyado si Tacio sa ahensya at ang mga kontribusyon nito ay hindi nare-remit. Kaya, sinampahan ni Nena ng reklamo si Doña Carmen sa SSS upang bayaran nito ang kontribusyon ni Tacio, itala ang pangalan nito bilang empleyado at hilingin din sa SSS ang mga pensyon at benepisyo ng kamatayan nito. At upang patunayan pa na nagtatrabaho nga ang asawa kay Doña Carmen, ginawa niyang testigo ang dalawa pang kasamahan sa trabaho.

Subalit, itinanggi ito ni Doña Carmen. Ayon sa kanya, si Tacio ay naninirahan lamang sa hacienda at isa lamang arador na nagbubungkal ng lupa sa minsanang pagkakataon. Ipinakita rin niya ang mga payroll kung saan ang pangalan ni Tacio ay hindi nakatala bilang isa sa kanyang empleyado. Tama ba si Dona Carmen?

HINDI.
Malinaw sa kasong ito na si Tacio ay trabahador ni Doña Carmen.

Nanggaling na rin kay Doña Carmen na sa hacienda niya pinayagang manirahan si Tacio at ang pamilya nito, kaya wala nang dahilan pang itanggi na regular itong nagtatrabaho sa taniman ng tubo at hindi minsanan lamang. Bukod pa rito, ang trabaho ni Tacio ay nagtagal na rin sa mahabang panahon kung saan malaking papel ang ginagampanan nito sa pagpapaunlad ng negosyo ni Doña Carmen.

Samantala, ang kawalan ng pangalan ni Tacio sa payroll, timesheet, payslip o voucher ay hindi nangangahulugang hindi siya empleyado ni Doña Carmen.

Walang partikular na ebidensya ang kinakailangan upang magpatunay nito, sapat na ang testimonya ng dalawa niyang katrabaho (Social Security System vs. Court of Appeals G.R. 100388 December 14, 2000).

BUKOD

CARMEN

COURT OF APPEALS G

DONA CARMEN

KANYANG

NENA

NITO

NTILDE

TACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with