Editoryal - Dikit dito,dikit doon
January 18, 2004 | 12:00am
SA February 10 ay magsisimula na ang kampanya ng mga kandidato. Ito ay kung hindi ipagpapaliban ang election dahil sa kapalpakan ng computerization project. Magsisimula nang magkabit ng mga poster ang mga kandidato. Mamumulaklak na naman sa dami ng mga nakadikit na poster ang pader, punongkahoy, poste ng meralco, haligi ng LRT at MRT at iba pang maaaring pagdikitan ng kanilang mga campaign materials.
Maraming kandidato na naman ang lalabag sa Omnibus Election Code. Kahit na alam ng mga kandidato na mayroon silang designated na lugar para dikitan o pagdispleyan ng kanilang mga posters, nilalabag pa rin. Wala nang pakialam sa nakatadhana sa batas at ang inalala na lamang ay maidikit ang kanyang poster para madaling makita ng mga tao. Dulot tuloy napakaruming tingnan ng kapaligiran dahil sa walang kaayusan at sistemang pagdidikit ng mga posters. Tuwing sasapit ang election ay ganito nang ganito ang nagiging problema. Sa kabila naman ng paglabag ng mga kandidato, walang ginagawang aksiyon ang Comelec. Pinababayaan na lamang na labagin ang batas.
Nagbabala na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) laban sa mga magdidikit ng mga election materials sa mga punongkahoy. Ang "No Nails Policy" ay kanilang hihilingin sa mga kandidato. Sinabi ni DENR Secretary Elisea Gozun na ang pagpapako sa katawan ng mga puno ay makasisira at maaaring maging dahilan ng kamatayan nito. Magkakaroon ng infection at doon na magsisimula ang sakit ng kahoy. Dagdag pa ng secretary maaari namang gumamit ng gawgaw. Napaka-earth friendly daw nito.
Hindi lamang si Sec. Gozun ang nagbabala sa mga pulitiko kundi maging si Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando. Babala ni Fernando: "Huwag gumamit ng adhesive na napakadikit sapagkat napaka- hirap nitong tanggalin. Umaapela sa Comelec si BF na bantayan ang mga kandidatong lalabag sa kautusan.
Kung sa mga nakaraang kampanya ay naging matigas ang ulo ng mga kandidato at ang kanilang kagustuhan din ang nangyari, sa pagkakataong ito, dapat na silang kastiguhin. Ipatupad ng Comelec ang batas sa tamang pagkakabit ng posters. Ipakita naman ng MMDA at DENR na mayroon silang pangil para labanan ang matitigas ang ulong kandidato.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest