^

PSN Opinyon

"Mapopostpone daw ang election?"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
Nanganganib daw ang election na nakatala na ganapin sa may 10, 2004 ay ma-postpone. Ito raw ay maari mangyari kapag ang korte suprema ay maglabas ng desisyon na "invalid ang conract ng mga counting machines" na ibinigay sa isang korean corporation.

Hindi dapat pangunahan ang desisyon ng Korte Suprema tungkol dito.subalit kung ito nga ay nangayari, kakailanganin ng comelec na lumipat sa "manual counting" ng mga balota.

Nung isang taon pa ito naka binbin sa Korte Suprema at ang desisyon kapag lumabas ngayon, o sa isang buwan ang nangangahulugan ng pagpapaliban nang election.

Ang pagproproklama kung kailan matutuloy ang eleksyon ang Kongreso lang ang maaring magtala nito. "Only a law enacted by congress could set when the elections would be held, if it is indeed postponed."

Sino ang makikinabang sa pagpapaliban ng eleksyon. Para ba sa kapakanan ng sambayanang Pilipino? Ano sa palagay ninyo mga kaibigan?

Magbitaw ng salita si Comelec chair, Benjamin Abalos na kailangan daw ng 120 days ang Commission para mag-shift from Automated elections to Manual elections. Kung lalabas daw ang ruling ng Korte Suprema sa isang lingo, at apat na buwan ang kailangan ng Comelec, mga May 30 matutuloy nag eleksyon. Ito kung sa isang lingo lalabas ang desisyon ng Korte suprema. Paano kung matagalan pa? Di magtatagal ang Presidential elections?

Iba naman ang sabi ng spokesperson ng Comelec na si Atty. Rafanan. 6 months daw ang kailangan ng Komisyon para lumipat sa manual counting kung ibabasura ng Korte Suprema ang kontrata sa isang Koren Company para sa Automated Counting Machines. Anim na buwan. Kaya nga raw hinihikayat na nila ang Korte Suprema nung November pa para hindi raw makaapekto sa darating na eleksyon.

Sino ba ang makikinabang kapag ang eleksyon ay ipagpapaliban? Hindi ba si Juan ang dehado dito dahil hahaba ang campaign period at mas lalong puro politika at pagkakampanya ang agenda ng lahat ng mg politiko?

Sa isa na namang balita. Ayon sa Comelec na lumubo ng 25 percent daw ang mga bagong botante na nagrehistro sa buong bansa. Aba napakalaking bilang nito? Maganda ring tanungin at hilingan ng tulong ang National Census Office para maberipika kung ganun ba karami ang mga bagong kabataan ang tumuntong ng labing walong taong gulang?

Kung mga dating rehistrado ito sa ibang lugar, kumpleto ba ang mga ito sa papeles at voters certification para makalipat sila sa Metro Manila at dito bumoto? Nakakatakot isipin kung magkaroon ng dayaan. Gulo yan. Sana bago mangyari ito, maayos ang lahat.

Ang kinabukasan hindi lamang nating lahat kundi pati ng ating mga anak, apo at buong angkan ang maapektuhan dito.

"The stakes are too high for us to make a mistake."

Sa puntong ito, nais ko naman tawagan ng pansin ang mga namamahala ng South Luzon Expressway (SLEX). Nabasa ko sa isang balita na hindi daw sila nagkulang, kaya hindi dapat sisihin sila sa mga nangyaring aksidente sa SLEX. Ito’y isang malaking kalokohan. Paghuhugas kamay.

Unang-una, ang mga ginagawa niyong pangharang, bagamat may kulay na "orange" ay nagbibigay ng impression na ito’y mga plastik lamang. Mga concrete barriers ang mga ito. Maglagay kayo ng "danger sign" para hindi ito sagiin ng motorista. Putris, anong klaseng kalsada meron tayo na konting ulan lamang nagkakandadulas na ang lahat ng sasakyan na nagreresulta ng napakaraming patay at sugatan? Nagtaas na naman kayo kamakailan ng singil ng toll sa mga motorista. Dapat naman ay pagbutihin niyo ang serbisyong ibinibigay ninyo para sulit ang ibinabayad namin.

Napakadaling sabihin na hindi kayo nagkulang. Ako na rin ang nagsasabi na nagkulang kayo at patuloy kayong nagkukulang. Hanggang hindi maayos ang pamamalakad ninyo d’yan, patuloy ang aksidente at mga buhay na magbubuwis sa inyong kapabayaan. Ngayong pa lamang, bumaha na nang dugo ang mga kalsada ng SLEX. MAKUNSENSYA NAMAN KAYO!

Para sa anumang reaksyon o comments, maari kayong mag-text sa 09179904918. Maari din kayong tumawag sa "calvento files" 7788442. Dun sa gustong mag-email sa inyong lingkod, maari niyong ipadala sa [email protected].

AUTOMATED COUNTING MACHINES

COMELEC

ISANG

KORTE SUPREMA

KUNG

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with