^

PSN Opinyon

Withdrawal method palpak

- Al G. Pedroche -
HINDI withdrawal sa banko ang pinag-uusapan natin kundi yung sistema ng birth control. Palpak ang withdrawal method sa prevention ng pagbubuntis. Sinasabi rin ng iba na di rin epektibo ang rythm o pagtatalik sa panahong hindi fertile ang babae.

Nasabi ko ito dahil base sa pagtaya ng mga eksperto, aabot ang populasyon ng Pilipinas sa 160 milyon sa loob ng 30 taon kung hindi epektibong makokontrol ang population growth. Tsk, tsk..di pa naman pabor ang Simbahang Katoliko Romano sa mga artificial methods.

Mantaking ngayon pa lang ay naglisaw na sa mga daan ang mga walang matirhan dahil sa kahirapan gayung nasa 70-milyon pa lang ang ating populasyon. Ano pa ang kahihinatnan natin kung umabot tayo sa 160-milyon? Baka makikita na nating nakahandusay sa kalye ang mga bangkay ng mga namamatay sa gutom.

Ang failure ng withdrawal ay ayon sa pananaliksik ng The Social Acceptance Project-Family Planning na isinagawa sa ilang malalaking lungsod sa Pinas. Karamihan sa mga misis na nakapanayam ay nagsabing withdrawal ang ginagamit nilang sistema pero patuloy ding naragdagan ang bilang ng kanilang mga anak. Isa pa umanong misis na nagngangalang Karen ang nalagay sa high risk pregnancy o pagbubuntis na posibleng ikamatay dahil din sa withdrawal system.

Sa kabila nito, sinasabi ng survey na ang withdrawal ang siyang pinakapopular na sistema ng pagpaplano ng pamilya na gamit ng mga mag-asawa. Ngunit ayon kay Dr. Ricardo Gonzales, medical adviser ng Social Acceptance Project-Family Planning, ni hindi itinuturing ang withdrawal bilang pamamaraan ng Family planning dahil sa mataas na failure rate nito.

Dahil sa mga case studies na ito, na-udyok ang mga organisasyon gaya ng Kalipunan ng Maraming Tinig ng mga Manggagawang Impormal (Katinig), Cebu City United Vendors Association, Philippine League of Government Midwives. Inter-Faith Partnership at iba pang samahan na umapela sa gobyerno para sa mas epektibong pagpa-plano ng pamilya.

vuukle comment

CEBU CITY UNITED VENDORS ASSOCIATION

DR. RICARDO GONZALES

INTER-FAITH PARTNERSHIP

MANGGAGAWANG IMPORMAL

MARAMING TINIG

PHILIPPINE LEAGUE OF GOVERNMENT MIDWIVES

SIMBAHANG KATOLIKO ROMANO

SOCIAL ACCEPTANCE PROJECT-FAMILY PLANNING

WITHDRAWAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with