Durian at macapuno: Pang-export talaga

INILUNSAD kamakailan sa Mindanao ang programa sa durian production bilang isang major export ng bansa. Isang training on scientific production ng durian ang inilunsad ng USAID’s Growth for Equity in Mindanao (GEM) at ang namumuno sa training program ay si Dr. Pablito Pamplona ng University of Southern Mindanao. Ayon kay Dr. Pamplona maramiang makikinabang sa naturang programa. Hindi lamang ang mga magsasaka kundi maging ang mga walang trababo magkakaroon ng pagkakakitaan at ito’y magiging dollar earner din.

Anim na strategic sites sa Mindanao ang magsasagawa ng training on durian production. Ito’y sa mga lungsod ng Gen. Santos, Kidapawan, at Davao at Caraga Region, Cagayan de Oro at Zamboanga – Sulu. Ang pagsasanay ay sa dalawang bahagi: Ang classroom lectures at ang on-farm-hands-on-demo sa mga nangangailangan ng skills development. Co-sponsors ng training program ay ang Department of Agriculture Regional Field Units in Mindanao, Mindanao Fruit Development Council at iba pang agricultural input supplier.

Sinabi ni Dr. Pamplona na ang mga main export markets ng durian ay ang Hongkong, Taiwan, Mainland China, United States, Canada at maraming bansa sa Europa. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa durian production maaaring tawagan si Dr. Pablito Pamplona sa 0918-9081227.
* * *
Ang Macapuno ay daling buhat sa pamilya ng coconut. Hindi gaya ng ordinaryong niyog ang Macapuno ay sa laboratoryo pinatutubo. Pitong taon makaraang itanim ay magbubunga na ang makapuno. Mas mabusisi ang pamaraan ng pagpapatubo at pag-aalaga ng macapuno. Para sa embryo culture at iba pang kaalaman tungkol sa macapuno maaari kayong sumangguni sa UP Los Baños laboratory sa Telepono 049-5362323. Sa naturang laboratoryo ay puwede na rin kayong magpareserba ng mga seedlings ng macapuno. Masarap ang macapuno. Gamit itong sangkap sa fruit salad, halo-halo at iba pang masarap na pagkain. Ang Macapuno ng Pilipinas ay ine-export sa iba’t ibang bansa.

Show comments