Gusto ma ring dumila sa lollipop ni chief Supt. Noble ?
January 9, 2004 | 12:00am
NAGKAROON pala ng bidding kung magkano ang lingguhang intelihensiya tatanggapin ni Chief Supt. Prospero Noble, ang hepe ng Southern Police District (SPD) galing sa mga gambling lords at may-ari ng putahan at nightclubs sa area niya. At ang nanalo? Diyan-dyan-dyaran! Eh di ang may pinakamataas na bid na P140,000 a week. Kaya huwag kayong magtaka mga suki kung lulugu-lugo ang mga gambling lords at mga may-ari ng putahan at nightclubs diyan sa SPD area dahil tiyak tumaas na ang lingguhang intelihensiya nila. At kung pakuya-kuyakoy na si Noble, siguro alam nyo na ang dahilan, di ba mga suki? He-he-he! Matapos magpakahirap magbantay kay dating Presidente Erap, eh gusto na ring dumila sa lollipop ni Noble, Get nyo?
Kung may bidding kasi sa lingguhang intelihensiya, ang ibig sabihin nyan kahit anong bagyo man ang dumating sa bansa, eh hindi maaapektuhan ang matatanggap ng hepe ng pulisya natin, tulad ni Noble nga, anang pulis-Pasay na nakausap natin. Kaya noong kainitan ng kampanya ni PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. laban sa jueteng, ang nagka-problema sa SPD ay hindi si Noble kundi ang nanalong bidder, aniya. Kasi nga kung nagsara nga talaga ang jueteng sa SPD, tiyak mag-aabono ang nanalong bidder at saan niya kukunin ang pitsa, aber? Kaya ang ibig sabihin niyan, hindi talaga nagsara ang jueteng sa SPD dahil hindi naman nagkagulo ang tabakuhan doon bunga sa panghaharabas ng nanalong bidder para makabawi, di ba mga suki? He-he-he! Tuluy-tuloy na kaya ang pagtanggap ng premyo ni Noble?
Nitong nagdaang mga araw, nag-anunsiyo si NCRPO chief Dir. Ricardo de Leon na magsasagawa siya ng all-out war laban sa jueteng matapos makuha ang validation report ng simbahan. Nag-isyu kasi ng certication ang mga barangay leaders sa Metro Manila na zero jueteng na ang kani-kanilang lugar at gustong matiyak ito ni De Leon sa pamamagitan ng counter-check ng simbahan. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman natin na pati itong mga barangay officials ay nakikinabang sa jueteng kayat hindi mabigat ang kanilang mga kamay sa pag-isyu ng certification. Pero hindi pa nga nag-umpisa ang giyera ni De Leon ay itot umiikot na itong sina Erning Capungcol at alyas Nardo para ipangolekta ang opisina niya. May kinalaman kaya si Supt. Rogelio Damaso, ang hepe ng intelligence ng NCRPO, sa pag-iikot nina Capungcol at Nardo? He-he-he! Ayaw din pala ni De Leon na mahinto ang pagpatak ng gripo niya, no mga suki?
Pero nitong linggo nga ay umamin na itong si Ebdane na hindi kaya ng kapulisan na mag-isang ipasara ang jueteng sa bansa. Ayon sa PNP chief, kailangan talaga ang pakipagtulungan ng community at simbahan. At sa pag-amin ni Ebane, sabay bukasan naman ng mga jueteng sa buong bansa. Akala ko ba 88 porsiyento na ng jueteng ang nagsara? Abot-kamay mo na ang tagumpay Gen. Ebdane Sir, e bakit bumitaw ka pa? Hindi mo nakayanan ang pressure ng Palasyo, lalo na si Taba? Sa susunod na natin pangalanan ang nanalong bidder ng intelihensiya sa SPD. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended