Huwag makipag-ungguyan sa mga pulitko
January 8, 2004 | 12:00am
TALAGANG totoo nga yatang Year of the Monkey ngayon. Inu-unggoy tayo ng mga pulitiko nang harap-harapan at walang patumanggang ginagago ang taumbayan. At ano naman ang ginagawa ng karamihan sa ating mga kababayan? Wala, humahalakhak at pumapalakpak pa sa kalokohang ipinamamalas sa kanila. Para bagang, ginagago na ng mga pulitiko, tuwang-tuwa pa ang mga kababayan natin. Susmaryosep talaga.
At ito na nga ang masaklap. Wala kang masyadong mapagpipilian sa hanay ng mga kumakandidato lalo na sa pagka-president, vice-president at pagka-senador. Ayon sa mga feedbacks na naiulat ko sa nakaraang kolum, lahat ng mga presidentiables at vice presidentiables ay hindi "ideal" na mga pinuno na makapagsisilbi sa bansa. Dahil kailangang bumoto, mapipilitan tayong pumili na lamang kung sinuman sa mga kumakandidato ang inaakala na maaaring makatupad sa ating mga hangarin para sa bansa. Sa mga senatoriables naman, iilan lamang ang maaaring pagkatiwalaan sapagkat karamihan sa mga tumatakbo ay sirang-sira na at ang iba naman ay walang "K" para maging senador.
Mga kababayan, may oras pa upang mag-isip. Hindi na dapat muling maloko at malinlang sa mga unggoy na pulitiko. Huwag ipagpalit ang inyong boto sa pera. Pumili ng taong makapagsisilbi sa bansa at sa mga mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest