^

PSN Opinyon

Pagdalaw ng mga Pantas kay Jesus

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG epiphany ay "pagpapakita ng daan" o pagpapahayag kung sino ang isang tao. Sa Mateo 2:1-12 ay isinalaysay ang pagdalaw ng mga Pantas sa sanggol na si Jesus sa Betlehem.

Si Jesus ay ipinanganak sa Betlehem ng Judea noong kapanahunan ni Haring Herodes. Dumating naman sa Jerusalem ang ilang Pantas mula sa Silangan at nagtanung-tanong doon: "Nasaan ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? Nakita namin sa Silangan ang kanyang tala at naparito kami upang sambahin siya."

Nang mabalitaan ito ni Haring Herodes, siya’y naligalig, gayon din ang buong Jerusalem. Kaya tinipon niya ang lahat ng punong saserdote at mga eskriba ng Israel at itinanong sa kanila kung saan ipanganganak ang Mesias.

"Sa Betlehem po ng Judea," sagot nila.

Nang mabatid ito, lihim na ipinatawag ni Herodes ang mga Pantas at itinanong kung kailan lumitaw ang tala. At pinalakad niya sila patungong Betlehem matapos pagbilinan ng ganito: "Humayo kayo at inyong hanaping mabuti ang sanggol. Kapag inyong natagpuan, ibalita agad ninyo sa akin upang ako ma’y makasamba sa kanya." Umalis na ang mga Pantas. Muli silang pinangunahan ng talang nakita nila sa Silangan hanggang sa sumapit ito sa tapat ng kinaroroonan ng bata. Gayon na lamang ang galak ng mga Pantas nang Makita ang tala! Pagpasok sa bahay, nakita nila ang bata sa piling ng kanyang inang si Maria. Lumapit sila at nagpatirapa at sinamba ang bata. Binuksan nila ang kanilang mga sisidlan at inihandog sa kanya ang dala nilang ginto, kamanyang at mira.

Nang sila’y pabalik na, sinabi sa kanila ng Diyos sa pamamagitan ng panaginip na huwag na silang babalik kay Herodes. Kaya, nag-iba na sila ng daan pauwi.


Ang mga Pantas ay nakatanggap ng isang pahayag sa pamamagitan ng astrolohiya. Hinanap nila si Jesus sa Betlehem. Natagpuan nila. Sinamba at inalayan. Nagselos si Herodes sapagkat nasabi sa kanya na isang bagong hari ang isinilang. Kaya nais niyang makasiguro. Hindi dapat mabuhay ang isinilang na hari. Ipinapatay niya ang lahat ng mga sanggol na may gulang na dalawang taon pababa. Ang mga sanggol ay naging mga martir para sa sanggol na si Jesus.

BETLEHEM

HARING HERODES

HERODES

JUDEA

KAYA

NANG

SA BETLEHEM

SILANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with