Nakakabuwisit umalis ngayon sa NAIA
January 3, 2004 | 12:00am
HINDI biro ang umalis sa NAIA ngayon dahil sangkatutak na returning passengers ang dumadagsa ngayon sa airport pabalik sa kanilang pinanggalingan lugar.
At kung mahina-hina ang pasensiya ng isang departing passenger baka ma-high blood ito sa airport.
Grabe, ang dami ng pasaherong umaalis. Papasok pa lang ng departure area ay prusisyon na ang mararanasan sa tindi ng traffic. Pila naman kapag bumaba ka ng sasakyan para makakuha ng push cart na lalagyan ng iyong mga bagahe.
Sa entrance pa lang ng departure area ay saksakan na ng haba ng pila parang pilahan ng bigas ng may rice shortage ang Pinas noong panahon ni Marcos.
Kahit na gumagana ang lahat ng x-ray machines ng PNP-ASG ay hindi pa rin sila maka-ugaga dito sa tindi ng dami ng pasahero.
Inaangal pa ang isang bagong lagay na restaurant bago pumasok ng x-ray machines porke hindi ito magamit ng mga taong pumipila sa ngayon.
Sinasabi ng intelligence community security risk ang nasabing puwesto kasi puwede daw maglagay ng anumang bagay na pampasabog na puwedeng gamitin ng mga terorista na gustong maghasik ng lagim sa NAIA Terminal 1.
Lahat ng taong papasok ng restaurant ay pasahero ng departure area pero ang problema ay hindi pa nado-double check ang dala nilang bagahe at mismo sila ay hindi pa rin nakakapkapan may ilang metro pa kasi ang layo nila sa x-ray machines ng ASG.
Sakop ng departure lobby ang puwesto ng kainan.
Sa loob ng airlines counter ay sangkatutak ang pila lalot iyong patungong US of A, Japan, Middle East etcetera.
Understanding naman ang mga pasahero sa ngayon porke alam nila ang hassle na mangyayari sa kanila.
Sa Immigration counter sa departure ay halos magwala ang mga pasahero sa haba ng pila at tagal ng clearing.
Ginagamit na naman kasi ng immigration people ang Personal Identification Secure Comparison and Evaluation System (PISCES) computer na ibinigay ng mga kano kaya matindi ang tagal ng clearing.
Siyempre gusto ng mga kano na ma-monitor ang mga taong magpupunta sa kanilang lugar.
Hindi na kasi ginamit ang PISCES ng mga immigration people dahil ramdam nila ang malaking abala sa mga pasahero at mismo sila ay natutuliro sa paggamit nito.
Panahon lang kasi ng uwian ngayon sa airport, anang kuwagong magsa-saka.
Siguro hanggang January 15 pa ito mararanasan? anang kuwagong maninisip ng tahong.
Sana sa tindi ng haba ng pila at siksikan ng mga tao rito ay walang madukutang pasahero sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Sana magdilang Anghel ka, kamote.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended