Biglaan ang pagkamatay
January 1, 2004 | 12:00am
ISANG hapon, napadaan sa isang tindahan si Pranjit at ang kanyang tiyong si Vijay kung saan sina Ferdie, Hermie at Romy ay nag-iinuman dito ng mga oras na yun. Tumayo ang tatlo at inanyayahan nila si Vijay na sumali sa inuman.
Tumanggi si Vijay at nag-alok na lamang ng P30 pambili ng alak para sa tatlo. Hindi ito tinanggap ng grupo bagkus ay hiniling nilang ang pamangkin nitong si Pranjit ang uminom. At dahil bata pa ang kanyang pamangkin at sa takot na masangkot sa nagbabadyang gulo, sinabihan nito ang pamangkin na tumakbong papalayo. Hindi nakinig si Pranjit bagkus ay hinila niya si Vijay at siya ang humarap sa grupo.
Nang mainsulto ang grupo sa mag-tiyo, biglang hinawakan nina Ferdie at Hermie ang mga braso ni Pranjit samantalang sinaksak naman ito ni Romy ng dalawang beses sa dibdib. Pagkatapos nito ay pinukol ni Ferdie ang ulo ni Pranjit ng bote ng alak. Samantala, nakatakbo si Vijay patungong pulisya
upang humingi ng tulong at nang siya ay lumingon, nakita niya ang pamangking tumatakbo rin. Subalit ilang saglit ay natumba na ito at namatay sanhi ng saksak sa dibdib at sugat sa kaliwang kamay.
Nakasuhan sina Ferdie, Hermie at Romy ng kasong murder thru treachery o sa pataksil nitong pagpatay kay Pranjit. Nahatulan sila ng korte ng reclusion perpetua. Tama ba ang naging hatol ng Korte?
MALI. Walang treachery o hindi pataksil ang pamamaraan ng pagpatay ng tatlo sa biktimang si Pranjit. Ang ginawang pag-atake ng tatlo rito ay hindi nagpapakitang pinagplanuhan ito bago pa man magkita ang mga partido. Kaya ang pagpatay hindi pataksil na ginawa dahil ito ay biglaan at sanhi lamang ng bugso ng damdamin.
Masasabi ring bago pa man ang pag-atake ng grupo sa biktima, binigyan na nila ito ng babala. Dito ay malinaw na pinili ng biktima na ipagtanggol ang kanyang tiyuhin sa gulo kaya siya na lamang ang humarap sa kalaban.
Samantala, nagpatunay din ang sugat sa kaliwang kamay ng biktima kung saan nagsasabing nanlaban ito kaya hindi masasabing wala itong pagkakataong maipagtanggol ang sarili.
Kaya, sina Ferdie, Hermie at Romy ay nahatulan ng kasong homicide at nasentensiyahan ng 8 taon at 1 araw minimum hanggang 14 na taon, 8 buwan at 1 araw maximum na pagkakakulong (People of the Philippines vs. Geguira et. Al. G.R. No. 130769, March 13, 2000).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended