Ang Ebanghelyo para sa araw na ito ay mula kay Juan na nagsasabi sa atin kung paanong ang Salita ay naging Tao at naging pinagmumulan ng lahat ng mga biyaya para sa atin at para sa sanlibutan.
Basahin ang Juan 1:18.
Kailanmay walang nakakita sa Diyos, subalit ipinakilala siya ng bugtong na Anak siyay Diyos na lubos na minamahal ng Ama.
Ang Salita at ang Diyos ay iisang katauhan. Ang Salita ay Diyos. Ang Salita ay pang-Diyos. Ang Salitang ito ay naging Tao. At gaya nang nasabi na namin sa itaas, siya ang pinagmumulan ng lahat ng mga biyaya na ating
kinakailangan at ating natatanggap.
Ang Salita ay naging Tao. Namumuhay siya sa mundo. Sinabi niya sa atin ang katotohanan tungkol sa Ama sa langit. Ipinagtamo niya ang kapatawaran sa ating mga kasalanan. Sa binyag, tayoy ginawa niyang mga anak ng Ama.
Napasama tayo sa pamilya ng Banal na Trinidad: Ama, Anak at Espiritu.
Naway magkaroon kayo ng isang MASAGANA AT MAPAYAPANG TAONG 2004!