^

PSN Opinyon

AIDS at iba pang sexual problems

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
MALAKI ang tsansa na magka-AIDS ang mga lalaking hindi tuli kaysa sa mga nacircumcised. Sa isinagawang research tungkol sa AIDS sa Uganda napag-alaman na ang mga lalaking tuli ay mababa ang tsansa na magka-AIDS kaysa mga tinaguriang ‘‘supot’’ o hindi binyagan. Mga doktor na Australyano ang nagsagawa ng research. Ayon sa kanila sa circumcision o pagtutule ay tinatanggal ang receptors sa ari ng lalakI na madaling kapitan ng mikrobyo.

Batay pa rin sa naturang medical study, karaniwang sexual problems ng mga lalaki ay mga erectal dysfunction at premature ejaculation na binase rin sa medical and physiological causes. Negatibo ang epekto ng alkohol at marijuana sa pagtigas ng ari ng lalaki at habang nakikipagtalik ay madaling labasan. Payo ng mga doktor na makabubuti na magkaroon ng komunikasyon, huwag mahiya at maging bukas ang isipan ng mag-asawa sa sexual problems nila na kadalasan ay nauuwi sa depression na ang treatment ay gaya ng tinatawag na ‘‘sexaholic anonymous.’’

Tinalakay din sa naturang study ang sexual addiction na kagaya ng drug addiction. Ito’y ang Don Juanism sa kalalakihan at ang pagiging nymphomanian ng mga babae. Ang masturbation na kalimitan ay nagdudulot ng pagkabahala at guilty feeling sa lalaki at babae ay masusi ring pinag-aralan ng mga sexologists na nagsabi na 92 hanggang 100 porsiyento ng lalaki at babae ay nagma-masturbate o nagsasariling-sikap. Napag-alaman din na mas nauuna ang lalaki na magkaroon ng orgasm at ang mga babae ay may kapasidad ng multiple orgasm. Napag-alaman din na ang mga kababaihang umeedad ng kuwarenta at may dalawa o tatlong anak ay nababawasan ang libog o sexual desire at halos ay wala nang ganang makipag-sex.

AUSTRALYANO

AYON

BATAY

DON JUANISM

LALAKI

NAPAG

NEGATIBO

PAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with