^

PSN Opinyon

Ang kapanganakan ni Jesus

- Jose C. Blanco S.J. -
Damhin ang pagkapanganak ni Jesus sa inyong puso sa araw ng Pasko (Lk. 2:1-14).

Nang panahong iyon, iniutos ni Emperador Augusto na magpatala ang lahat ng nasasakupan ng Imperyo ng Roma. Kaya umuwi ang bawat isa sa sariling bayan upang magpatala.

Mula sa Nazaret, Galilea, pumunta si Jose sa Betlehem, Judea, ang bayang sinilangan ni Haring David, sapagkat siya’y mula sa angkan at lahi ni David.

Kasama niyang umuwi upang magpatala rin si Maria na kanyang magiging asawa na noo’y kagampan. Samantalang naroroon, dumating ang oras ng panganganak ni Maria. Lalaki ang kanyang isinilang.

Binalot niya ng lampin ang sanggol at inihiga sa isang sabsaban, sapagkat wala nang matuluyan.

Sa lupaing iyon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayon na lamang, ngunit sinabi sa kanila ng anghel, "Huwag kayong matakot! May dala akong mabuting balita para sa inyo na magdudulot ng malaking kagalakan sa lahat ng tao. Sapagkat isinilang ngayon sa bayan ni David ang inyong Tagapagligtas. Ito ang palatandaan: matatagpuan ninyo ang isang sanggol sa sabsaban."

Biglang lumitaw sa tabi ng anghel ang isang malaking hukbo ng kalangitan, na nagpupuri sa Diyos: "Papuri sa Diyos sa kaitaasan, at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya!"
* * *
MALIGAYANG PASKO SA LAHAT!

BETLEHEM

BIGLANG

BINALOT

DAMHIN

DIYOS

EMPERADOR AUGUSTO

GALILEA

HARING DAVID

HUWAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with