^

PSN Opinyon

Nakikinabang ba ang sambayanan sa parke ni Atienza?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAGING pugad na ng pokpok at holdaper ang Avenida sa Sta. Cruz, ang kalyeng isinara ni Manila Mayor Lito Atienza, para gawing parke. Kung ang nasa isipan ni Mayor Atienza ay mapaganda niya ang Avenida tulad ng ibinabando niya, taliwas ang naging kinalabasan nito dahil nitong nagdaang mga araw nga ay naging sentro ito ng prostitution at kriminalidad. Tayo mismo ay naging saksi ng ilang insidente sa naturang lugar at nasaan ang ipinagmalaki ni Atienza na kapulisan na nagpoprotekta sa mga mamamayan? Nagsadya tayo sa Avenida isang araw mga suki para uriratin kung talagang nakikinabang ang mga Manilenyo sa proyekto ni Atienza at laking gulat natin sa aking natuklasan.

Habang naglalakad ako sa Avenida nga, nilapitan tayo ng isang gurang na babae at kinausap. ‘‘Noy, puwede kang magparaos at kung ang gusto mo mabilisan, puwede rin ang blowjob,’’ ’yan ang katagang namutawi sa bibig ng ale sabay turo sa mga dalagitang naka-istambay sa isang sulok ng parke ni Atienza. Nakasaksi na rin tayo ng isang insidente kung saan ang isang estudyanteng babae ay tinututukan ng balisong ng dalawang lalaki sa magkabilang bahagi ng katawan sabay hablot ng kanyang bag na naglalaman ng wallet, cellphone at mga kagamitan. Ngayon, ang tanong ko mga suki, nakikinabang ba ang sambayanan diyan sa parke kuno ni Atienza? Ang tiyak lang, may yumaman sa proyekto ni Atienza at mukhang may alam ang kaibigan nating si Kim Wong, di ba mga suki? He-he-he! Kawawang Manilenyo, nabola na naman sila.

Hindi lang ’yan! Nagkaroon din ng problema nang masunog noong isang linggo ang sinehan sa Avenida at dahil nga isinara ni Atienza ang main road roon nahirapan ang mga bumbero na makarating sa lugar ng sunog nga. Kung mahina-hina lang ang mga bumbero natin tiyak maraming nadamay sa sunog dahil na-late silang dumating dahil nagkaligaw-ligaw sila o sobra ang trapik sa dadaanan nila. Hindi lang ang Avenida ang sobrang ma-trapik lalo na ngayong Kapaskuhan, kundi sa lahat ng lugar kung saan nakasentro ang mga proyekto ni Atienza. Hindi inaalintana ni Atienza ang trapik dahil meron siyang motorcycle escort at puwede rin siyang mag-against the flow sa kalye dahil makapangyarihan siya. Pero ang ordinaryong mamamayan ang palaging naiwang tulala dahil sa mahabang oras nila sa daan. At dahil na rin sa SM Manila, palaging mahaba ang trapiko diyan sa harap ng City Hall at wala nang pag-asa ang mga Manilenyo na malutas pa ni Atienza ang problema sa trapik nga.

Sa ilalim ng liderato ni Atienza, lumaganap na rin ang mga pasugalan, lalo na ang video karera nina Randy Sy, Buboy Go, Arnold Ajesta, Neri, Sancho at iba pa. Ang ibig kong sabihin mga suki, naglilipana na rin ang mga drug addict sa Manila at malaking pagkakamali ang ginawang pagpuri ni Presidente Arroyo sa lokal na kapulisan dahil sa barangay clearing nila sa droga. Diyan lang sa sakop ng Station 4 sa Sampaloc, tulad ng riles at Alley 1, eh shabu na ang itinataya sa sugal. Malinis ba ’yan sa paningin ng kapulisan natin? Panahon na ba para palitan si Atienza? Abangan.

ARNOLD AJESTA

ATIENZA

BUBOY GO

CITY HALL

DAHIL

KAWAWANG MANILENYO

KIM WONG

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MANILENYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with