Mag-ingat, sundalo sa checkpoints
December 15, 2003 | 12:00am
SALA sa init, sala sa lamig. Yan ang masaklap na dinadanas ng pulis mula sa publikong walang kakunte-kuntento. Nang malimit ang holdap at kidnapping sa Metro Manila, umalma ang mga Tsinoy at anti-crime crusaders sa kapalpakan ng pulis. Pero ngayong nagtayo ng checkpoints para masupil ang mga armadong kriminal, umaangal naman ang ibang sektor. Kesyo istorbo raw dahil naaantala ang biyahe ng mga sasakyan. At dahil may sundalong back-up ang pulis, kesyo labag daw sa human rights, lalo na kung kinakapkapan o iniinspeksyon ang mga sasakyan.
Nilinaw ni Dir. Ricardo de Leon na meron talagang dapat suyurin sa checkpoints. Halimbawa, mga kotseng madilim ang tint at puro lalaki ang sakay, lalo na kung kahina-hinala ang kilos o kayay unipormado pero wala namang misyon. Kasama rin ang mga walang plaka o kayay hindi tugma ang plaka sa modelo ng sasakyan. Dito nadale ng mga pulis ang robbery gangmen na sakay ng dalawang van sa San Andres, Manila. Walang plaka yung isa, at nagpaputok ang mga sakay sa pangalawa. Simula nang mag-checkpoint, wala pang insidente ng bank robbery o kidnapping dahil sumikip ang mundo ng mga salarin.
Pero para maging tagumpay ang checkpoints, dapat lang maging sensitibo ang 6,000 sundalo ng AFP-National Capital Region Command. Sanay sila sa bakbakan sa rebeldeng komunista o separatistang Moro. Habulan at kanyunan sa kanayunan ang training nila. Pero sa Maynila, kailangan nila ng panibagong training. Hindi maari sa siyudad ang sona, hindi puwede basta paligiran ang isang komunidad at palabasin lahat ng lalaki para kuwestiyunin. Para yong panahon ng Hapon o Martial Law.
Para walang gusot, isama sana ng NCRC sa operations ang mga taga-Commission on Human Rights. Maki-pag-coordinate sila parati sa pulis at barangay officials sa lugar na may tutugising kriminal. Maging magalang sila parati sa sibilyan, at maayos sa panamit at kilos. At mag-report sila parati sa media ng kanilang operations. Sa ganung paraan, mapapatunayan nilang tunay na tagapagtanggol sila ng mamamayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am