^

PSN Opinyon

Pagiging tunay na tagasunod

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
TAYO ay nasa Ikatlong Linggo na ng Adbiyento. Ang Ebanghelyo para sa Linggong ito ay nag-aanyaya sa atin na maging banal saan man tayo naroon. Basahin ang Lukas 3:10-18.

Tinanong siya ng mga tao, "Kung gayon, ano po ang dapat naming gawin?"

"Kung mayroon kang dalawang baro, bigyan mo ng isa ang wala. Ganyan din ang gawin ng mga may pagkain," tugon niya. Dumating din ang mga publikano upang pabautismo at itinanong nila sa kanya, "Guro, ano po ang dapat naming gawin?" Sumagot siya, "Huwag kayong manghihingi kaninuman sa pamamagitan ng pamimilit o ng pagpaparatang ng di totoo; masiyahan kayo sa inyong sahod," sagot niya.

Naghari sa mga tao ang pananabik sa pagdating ng Mesias at ang akala ng marami’y si Juan ang kanilang hinihintay. Kaya sinabi ni Juan sa kanila, "Binabautismuhan ko kayo sa tubig, ngunit ang darating na kasunod ko ang magbabautismo sa inyo sa Espiritu Santo at sa apoy. Siya’y makapangyarihan kaysa akin, at hindi ako karapat-dapat magkalag ng tali ng kanyang panyapak. Hawak niya ang kanyang kalaykay upang alisin ang dayami.

Titipunin niya ang trigo sa kanyang kamalig, ngunit ang ipa’y susunugin sa apoy na di-mamamatay kailanman."

Marami pang bagay ang ipinangaral ni Juan sa mga tao sa kanyang paghahayag ng Mabuting Balita."


Ang mga tagapakinig ni Juan Bautista ay tinatagubilinan na isagawa ang kabutihang dapat nilang gawin. Ang pagbabagong-loob ay higit pa sa pagkakaroon ng mga magagandang damdamin at mga pag-iisip.

Datapwat hindi lamang ang ating ginagawa, kundi ang paraan ng ating paggawa ng mga ito, ang kinakailangan upang tayo’y maging tunay na tagasunod ni Jesus.

Ito ang panahon upang tanungin ang ating mga sarili: Tayo nga ba’y tunay na mga tagasunod ni Jesus?

ADBIYENTO

ANG EBANGHELYO

BASAHIN

BINABAUTISMUHAN

ESPIRITU SANTO

IKATLONG LINGGO

JUAN BAUTISTA

MABUTING BALITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with