NBI help us!
December 4, 2003 | 12:00am
DUDULOG sa NBI ang pamilya ni Peter Donton, 56, isang Pastor sa 7th Day Adventist para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nito.
Mas tiwala kasi si Milcah Donton, asawa ng biktima sa NBI kaysa sa mga pulis sa Southern Police District. Wala raw ginawa ang pulisya tungkol sa kasong ito.
Si Peter, isang Fil-Am, ay binaril sa mukha ng hindi pa kilalang lone gunman noong Huwebes ng umaga, Nov. 19, 2003 habang naghihintay ng taxi papunta sa Quezon City Hall of Justice, may hearing ang pobre rito.
Itinago pa ng mga pulis sa media ang police report dito kaya hindi ito nabalita.
Sa loob mismo ng Kampo inupakan si Peter at may ilang metro lang ang layo sa Southern Police District. Dedbol si Peter sa Fort Bonifacio General Hospital nang dalhin ito ng kanyang pamangkin.
Kumaripas ng takbo ang gunman papunta sa isang kulay puting taxi cab na may plakang PYA-753. Dito siya sumakay at siya rin ang drayber.
Malalim ang ugat ng pangyayari. Pinagsususpetsahan ng pamilya ni Peter na maaaring tungkol ito sa 553 metro kuwadradong prime lot property sa Cubao.
Nagsampa kasi ng kaso si Peter sa QC dahil nailipat sa ibang pangalan ang titulo ng kanyang lupa. May anggulo rin ang pamilya na maaaring tungkol sa mga pinautang ni Peter na pera sa ilang kawani sa Senado.
At isa pang anggulo ay maaaring imbestigahan ng NBI ay ang kasong isinampa niya sa isng police colonel sa Ombudsman.
Si Peter ay umuupa ng isang maliit na bahay sa loob ng Fort Bonifacio dahil sa pananakot ng ilang di-kilalang grupo sa kanya.
Mas kampante si Peter pansamantalang tumira dahil mas ligtas siya dito. Pero mali ang vibration ni Peter dahil sa loob ng kampo siya binaril.
Nagtatrabaho si Melicah sa US of A bilang nurse. Ang anak niyang si Peter Dolton II ay isang US Army, wala sila sa Pinas nang mangyari ang pamamaril.
"Kawawa naman si Peter," anang kuwagong embalsamador.
"Sa palagay ko hindi pababayaan ni NBI Director Wycoco ang pamilya ni Peter kapag dito sila humingi ng tulong," anang kuwagong maninisid ng tahong.
"Korek ka dyan."
"Mas maganda kung mahuhuli ang utak ng nagpapatay kay Peter," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Iyan ang abangan natin, kamote."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest