^

PSN Opinyon

Araw ni Bonifacio

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
GINUGUNITA ng sambayanang Pilipino sa araw na ito ang ika-140 kaarawan ni Adress Bonifacio, ang supremo ng Katipunan. Isinilang si Bonifacio noong Nobyembre 30, 1863 sa Tondo, Maynila. Buhat siya sa isang mahirap na angkan. Nagtrabaho siya bilang clerk-messenger sa Fleming and Company tapos ay naging ahente siya sa Fresell and Company at habang nagtatrabaho ay nakuha niyang basahin ang mga libro tungkol sa French Revolution at ito ang nagsilbing inspirasyon para siya’y maghimagsik sa pang-aalipin ng mga Kastila. Pinangunahan niya ang Sigaw sa Pugad Lawin na naghudyat ng rebolusyon laban sa Spain noong Agosto 26, 1896.

Napangasawa niya ang isang dilag na nagngangalang Monica ngunit maaga siyang namatay sa karamdamang ketong. Ang pangalawang asawa ni Bonifacio ay si Gregoria de Jesus na tubong Caloocan na tinaguriang ‘‘lakambini ng Katipunan.’’ Sila’y kinasal sa simbahan ng Binondo.

May dalawang konseho ang Katipunan. Si Bonifacio ang namuno sa Magdiwang at si Emilio Aguinaldo naman sa grupong Magdalo. Ang liderato ni Bonifacio ay kinuwestiyon ni Aguinaldo na naging dahilan ng pagkakasira ng dalawang pinuno sa isang convention na ginanap sa Tejeros, Cavite noong 1897. Inakusahan ng treason si Bonifacio at matapos ang madaliang pagdinig siya’y pinatay ng mga tauhan ni Aguinaldo noong Mayo 10, 1897.

ADRESS BONIFACIO

AGOSTO

BONIFACIO

EMILIO AGUINALDO

FLEMING AND COMPANY

FRENCH REVOLUTION

FRESELL AND COMPANY

KATIPUNAN

PUGAD LAWIN

SI BONIFACIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with