Sino ang gusto mo?
November 29, 2003 | 12:00am
Painit nang painit ang takbo ng pulitika sa atin at lalong uminit nitong linggong ito ng sumali na rin ang hari ng pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. Ang desisyon ni Poe bagamat halatang nakagulat sa karamihan, lalo na sa Malakanyang ay di natinag si Sen. Panfilo Lacson na nagsabing hindi na siya aatras at tuluy tuloy na ang kanyang pangangampanya bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Mag-uusap ang dalawa sa isang linggo kung saan pipilitin nilang magkasundo para magkaisa ang oposisyon. Ang posibleng Bise Presidente ng oposisyon ay si Sen. Loren Legarda o isang mataas na opisyal ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria na muling makikipag-usap sa mga lider ng grupo ni Ping Lacson.
Nagbitiw din si Sen. Rodolfo Biazon sa LDP at sumanib sa partido ni Raul Roco. Si Biazon ang malamang na tatakbo bilang pangalawang pangulo ni Raul Roco.
Sa panig naman ng partido ng administrasyon at mga ka-alyansa nila, si Sen. Robert Barbers ay nagdeklara na ng kanyang hangaring maging bise presidente ni Madam Senyora Donya Gloria. Si Sen. Franklin Drilon naman ay sumapi na sa Liberal party at malamang na maging nominee ng partido bilang bise president din ni Madam.
Si Noli de Castro naman ay malamang pa ring tatakbo bilang Pangulo at malaki ang posibilidad na ka-tandem niya ay si Sen. Manuel Villar, samantalang pati si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord ay naghahangad rin sumali sa pulitika.
Pero natitiyak ko na hindi pa final ang mga pangalang yan sa mga tatakbo bilang Pangulo at gayundin sa mga nabanggit nating mga pangalan sa pagka pangalawang pangulo. Magkakaroon pa ng mga pagbabago sa mga tambalan at kahit sa alyansang pulitika ay magbabago pa. Sabagay, pulitika nga naman yan kaya walang permanenteng samahan o pagkakaibigan, ang permanente lang riyan ay ang personal na interest ng bawat isa.
Mahigit dalawang linggo pa ang hihintayin para makita natin kung sino ba talaga ang magpa-file ng certificate of candidacy at totoong tatakbo.
Ang nangyayari ngayon bagamat mainit ay posturing para maka hirit ng husto pag dating ng panahon ng negosasyon. Ang tunay na magiging basehan ng bawat kandidato sa paggawa nila ng desisyon ay ang resources, kasama na ang makinarya at siyempre pera para swueldo ng mga campaign personnel, posters, streamers, transportations at marami pang ibang pagkakagastusan.
Pero ang resources, lalo na tulong financial ay dadagsa lang kung bilib sa kanila ang mga negosyanteng naniniwala sa kanilang kakayahan at pagasang manalo. Pagdating sa financial at resources diyan lamang si Madam Senyora Donya Gloria kasi siya ang nakaupong Pangulo.
Diyan ngayon papasok kayo mga kaibigan, tinig nyo ang aalamin ng mga financiers and donors dahil hindi sila magaaksaya ng pondo sa isang walang pag-asa, kaya tanong ko ho, kahit hindi ako financier ay sino ba ang boboto niyong Pangulo? Pangalawang Pangulo at bakit? Text lang ng inyong sagot sa 09272654341.
Sa katanungan natin kung dapat bang armasan ang sambayanan upang makalaban sila sa mga kriminal lalo na ang mga negosyanteng Tsino lahat ng sumagot sa text ay sinabing hindi dapat at sumasangayon na dapat ng magresign o sibakin ang mga pinuno ng DILG, NAKTAF, PNP at NBI kung di nila masusugpo ag krimen.
Kung me tnongin hindi n armasan ang mga yan, may pulis at military tayo. 09196225159; D kmi payag armasan lng mga tsinouy, sure b clang d aabuso mga yan. 09273119398; Dna dpat armasan, ang gawin na lng ni ate glo, pag nakaw ang kaso putol ang kamay pag rape putol ang ulo, lhat ng mbigat na kaso putol ulo. 09202651451; Hndi dpat armasan ang mga negosyanteng tsinoy kc pag ganyan nangyari wala ng silbi ang mga pnp. 09174685887;
Hndi dapat armasan ang tsinoy. Ang gawin nla ay tugusin ang mga sindikato hndi yong puro lang dakdak ang gnagawa. Magbitiw nlang cla sa puwesto. 09202928904; Hndi dpat bigyan ng armas ang mga intsik dhil my ibang abusadong instik. 09205643369;
Dpat alisan ng armas ang mga civilian. Liderato ang kailangan at ipatupad ang batas an eye 4 an eye. Batas d relihiyon, gising gma. 09182894775; D kc kyang masolusyonan ng gbyerno ntin ang lumalalang krimen s atiing bansa tapos taong byan ang aarmasan e d lalo lang natin pinalala. 09197045536;
Hndi dpat armasan mga tsinoy, dpat usigin ang mga kriminal. 09184443693; Kung lhat ng negosyante aarmasan mbabaw n dhilan yun lban sa krimen. Ang kailangan ntin ngipin at kmay n bkal sa pagpptupad ng btas. 09203192881;
Dpat ang sibakin agad si ebdane at wycoco walang kwenta sila. 09205961326; Hndi dpat lalo lala ang mga ptayan dahil sa mga baril. 09193047746; Tutol ako na armasan ang mga negosyanteng tsinoy d yan ang solusyon sa pagsugpo sa kaguluhan mali ang sistema ng kapulisan palitan lhat opsyal yan solusyon. 09182718028;
Hndi dpat armasan ang tsinoy, kung aarmasan mga tsinoy dpat lahat ng tao para patas. 09168775544; Pra sa akin kbubuhan ng mga nabanggit na opisyal na yan dpat sa knila magresign n lang. 09165983801.
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kayay magtext sa 09272654341. Mapapakinggan nyo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.
Mag-uusap ang dalawa sa isang linggo kung saan pipilitin nilang magkasundo para magkaisa ang oposisyon. Ang posibleng Bise Presidente ng oposisyon ay si Sen. Loren Legarda o isang mataas na opisyal ng administrasyon ni Madam Senyora Donya Gloria na muling makikipag-usap sa mga lider ng grupo ni Ping Lacson.
Nagbitiw din si Sen. Rodolfo Biazon sa LDP at sumanib sa partido ni Raul Roco. Si Biazon ang malamang na tatakbo bilang pangalawang pangulo ni Raul Roco.
Sa panig naman ng partido ng administrasyon at mga ka-alyansa nila, si Sen. Robert Barbers ay nagdeklara na ng kanyang hangaring maging bise presidente ni Madam Senyora Donya Gloria. Si Sen. Franklin Drilon naman ay sumapi na sa Liberal party at malamang na maging nominee ng partido bilang bise president din ni Madam.
Si Noli de Castro naman ay malamang pa ring tatakbo bilang Pangulo at malaki ang posibilidad na ka-tandem niya ay si Sen. Manuel Villar, samantalang pati si Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord ay naghahangad rin sumali sa pulitika.
Pero natitiyak ko na hindi pa final ang mga pangalang yan sa mga tatakbo bilang Pangulo at gayundin sa mga nabanggit nating mga pangalan sa pagka pangalawang pangulo. Magkakaroon pa ng mga pagbabago sa mga tambalan at kahit sa alyansang pulitika ay magbabago pa. Sabagay, pulitika nga naman yan kaya walang permanenteng samahan o pagkakaibigan, ang permanente lang riyan ay ang personal na interest ng bawat isa.
Mahigit dalawang linggo pa ang hihintayin para makita natin kung sino ba talaga ang magpa-file ng certificate of candidacy at totoong tatakbo.
Ang nangyayari ngayon bagamat mainit ay posturing para maka hirit ng husto pag dating ng panahon ng negosasyon. Ang tunay na magiging basehan ng bawat kandidato sa paggawa nila ng desisyon ay ang resources, kasama na ang makinarya at siyempre pera para swueldo ng mga campaign personnel, posters, streamers, transportations at marami pang ibang pagkakagastusan.
Pero ang resources, lalo na tulong financial ay dadagsa lang kung bilib sa kanila ang mga negosyanteng naniniwala sa kanilang kakayahan at pagasang manalo. Pagdating sa financial at resources diyan lamang si Madam Senyora Donya Gloria kasi siya ang nakaupong Pangulo.
Diyan ngayon papasok kayo mga kaibigan, tinig nyo ang aalamin ng mga financiers and donors dahil hindi sila magaaksaya ng pondo sa isang walang pag-asa, kaya tanong ko ho, kahit hindi ako financier ay sino ba ang boboto niyong Pangulo? Pangalawang Pangulo at bakit? Text lang ng inyong sagot sa 09272654341.
Hndi dapat armasan ang tsinoy. Ang gawin nla ay tugusin ang mga sindikato hndi yong puro lang dakdak ang gnagawa. Magbitiw nlang cla sa puwesto. 09202928904; Hndi dpat bigyan ng armas ang mga intsik dhil my ibang abusadong instik. 09205643369;
Dpat alisan ng armas ang mga civilian. Liderato ang kailangan at ipatupad ang batas an eye 4 an eye. Batas d relihiyon, gising gma. 09182894775; D kc kyang masolusyonan ng gbyerno ntin ang lumalalang krimen s atiing bansa tapos taong byan ang aarmasan e d lalo lang natin pinalala. 09197045536;
Hndi dpat armasan mga tsinoy, dpat usigin ang mga kriminal. 09184443693; Kung lhat ng negosyante aarmasan mbabaw n dhilan yun lban sa krimen. Ang kailangan ntin ngipin at kmay n bkal sa pagpptupad ng btas. 09203192881;
Dpat ang sibakin agad si ebdane at wycoco walang kwenta sila. 09205961326; Hndi dpat lalo lala ang mga ptayan dahil sa mga baril. 09193047746; Tutol ako na armasan ang mga negosyanteng tsinoy d yan ang solusyon sa pagsugpo sa kaguluhan mali ang sistema ng kapulisan palitan lhat opsyal yan solusyon. 09182718028;
Hndi dpat armasan ang tsinoy, kung aarmasan mga tsinoy dpat lahat ng tao para patas. 09168775544; Pra sa akin kbubuhan ng mga nabanggit na opisyal na yan dpat sa knila magresign n lang. 09165983801.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest