^

PSN Opinyon

Problema ng retiradong pulis sa Zurich Life

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
NAKASALALAY sa kamay ni Chairman Eduardo Malinis ng Insurance Commission ang kapalaran ng 200 dating workers ng multi-national firm na Zurich Life Insurance Phil. Inc. at kani-kanilang pamilya na hindi binayaran ng kaukulang benefits matapos maibenta ang naturang kompanya. Ang buong akala ng mga manggagawa ay stable o matatag ang Switzerland – based Zurich insurance pero ito pala ay ampaw at walang binisa. Magkakaroon kasi ng hearing sa opisina ng Insurance Commission sa United Nations Ave., sa Ermita bukas at doon magbibigay ng kani-kanilang hinaing ang mga na-displace na workers at inaasahan nila at ng kanilang pamilya ang desisyon na pabor sa kinabukasan nila, he-he-he! Multi-national firm daw eh tumatakas naman sa responsibilidad, di ba mga suki?

Ang isa sa mga dadalo sa hearing sa Insurance Commission bukas ay si Julio Castelo, na isang retiradong pulis ng Western Pulis District (WPD). Nang magretiro si Castelo ay kinuha kaagad siya ng ACSA Life Insurance kung saan binigyan siya ng P40,000 kada-buwan na suweldo. Hindi pa nga naka-isang taon si Castelo, lumipat siya sa Zurich nga dahil sa tingin niya, matibay ang kompanya dahil multinational firm ito. Ginawa siyang regional director ng kompanya na may opisina sa 28/F Petron Mega Plaza sa Gil Puyat Ave., sa Makati City. Subalit makalipas ang ilang buwan ay nagising na lang si Castelo na naibenta na ng Zurich ang kanilang kompanya sa isa ring insurance firm na Manulife nga. Bunga sa nangyari, nawalang parang bula ang mga pangarap ni Castelo.

Subalit ipinaglaban ni Castelo ang karapatan niya. Sinulatan niya si Grace Pinon, ang Life Sales director 1 at humihingi siya ng damages na P2 milyon. Aniya, maraming career opportunities at better offers sa iba’t ibang kompanya ang tinanggihan niya bago siya tanggapin ang alok ng Zurich nga sa paniwalang ‘‘stable and firm’’ ang vision ng kompanya kung saan ibinase niya ang kanyang ginawang business development program. Nadismaya si Castelo dahil ni hindi man lang siya kinunsulta ng ibenta na ang kompanya. ‘‘As your regional director I was caught by surprise so much so that I did not have the slightest opportunity to plan the future path of may own career in this industry,’’ ani Castelo sa kanyang sulat, he-he-he! Mukhang may katwiran dito si Castelo, di ba mga suki?

Ayon pa kay Castelo, ipinagpalit niya sa malalaking oportunidad ang desisyon niyang tanggapin ang alok ng Zurich at ang pagbenta ng kompanya ‘‘cause me substatial loss and damage. ‘‘I believe that justice and fair play require that you indemnify me for my lost career opportunities and damages, which if quantified should at least cost two million pesos (P2 million),’’ ani Castelo sa kanyang sulat.

Hindi maganda ang iniwang bakas ng Zurich sa ating bansa. Siyempre, ang pagbenta nila ay nagdulot din ng agam-agam sa mga nakumbinsi nilang magpa-insure sa kanila. Antayin natin ang desisyon ni Chairman Malinis sa kasong ito. Abangan.

CASTELO

CHAIRMAN EDUARDO MALINIS

CHAIRMAN MALINIS

F PETRON MEGA PLAZA

GIL PUYAT AVE

GRACE PINON

INSURANCE

INSURANCE COMMISSION

JULIO CASTELO

KOMPANYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with