WOW Philippines! (Wow, No Death Penalty!)
November 26, 2003 | 12:00am
SA mata ng mga sindikato ng droga na mga nanggagaling sa bansang China, "paraiso" ang bansang Pilipinas para sa kanila.
Ika nga, "Wow Philippines!" Alam nila dito sa bansa nating to, hindi binibitay ang mga nahuhuling dayuhang nagma-manufacture ng droga.
Di tulad sa bansang kanilang pinanggalingan, wala nang maraming ngawa "tigok" agad sila.
Kaya dito lamang sa "paraisong" bansang Pilipinas, nagagawa nila ang mga bagay na di nila kayang gawin sa kani-kanilang bansa.
Hindi sila sasantuhin ng kanilang gobyerno. Dahil dito hindi lang umurong ang kanilang mga bayag kundi tuluyan na itong "kumuyos" sa takot.
Kahit na paigtingin pa ng pamahalaan ang ating kampanya laban sa droga, maging ang pakikipaglaban sa mga notoryus na Kidnap-for-ransom syndicate, tuloy ang kanilang ligaya.
Sunud-sunod nga ang pagkakahuli ng ating mga awtoridad sa mga big time manufacturers na karamihan mga dayuhang Tsino. "Wa epek" pa rin ito sa mga sindikato. Hanggat hindi ipinatutupad ng ating pamahalaan ang parusang "bitay" tulad ng mga "kapitbahay" nating bansa, tuloy ang kanilang paghasik ng lagim.
Mahuli man sila, LIGTAS ang mga ito sa parusang bitay. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila natatakot.
KULUNGAN lang naman kasi ang kanilang hahantungan. Sa loob ng kulungan, kasama ang mga notoryus na kidnap-for-ransom at iba pang mga halang ang bituka, sila ang hari. Ipagtanong ninyo ito kay Bureau of Corrections (BuCor) chief General Dionisio Santiago, alam na alam nya ang hubot hubad na katotohanan na nakasulat sa kolum kong to.
Bahagi lang to ng kanyang eksklusibong pahayag sa aking radio program, nung nakaraang linggo.
Tulad ni General Dionisio Santiago, PRO-LIFE din ako. Parehong buo ang aming dibdib at naniniwala sa DEATH PENALTY!
Ang pagkakaiba nga lang namin ni Santiago, kaya kong sabihing pakialamero ang Simbahang Katoliko. Isa sila sa mga dahilan ng problema.
Magiging epektibo lamang ang pagpapalakas ng ating pamahalaan sa mga institusyong sumusunod, PANGHUHULI ng ating mga awtoridad, agarang PAGSASAKDAL ng ating hukuman at PAGKUKULONG at PAGBIBITAY sa mga ito.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended