^

PSN Opinyon

Ang totoong anyo ng terorismo

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
MULI na namang umatake ang mga terroristang grupo sa pagsabog na nangyari sa Istanbul, Turkey at pinuntirya ang opisina ng Hong Kong Shanghai and Banking Corp. (HSBC) at ang British consulate. Naging malagim ang epekto ng pagsabog ng mga bomba dahilan upang magkalat sa iba’t ibang parte ng katawan lalo na sa paligid ng HSBC sa distrito ng Levent. Ang ganitong klase ng gawain ay nararapat lamang na batikusin at kamuhian.

Ayon sa huling ulat, may humigit kumulang 27 katao ang namatay kabilang na dito ang British Consul-General na si Roger Short at ilang British employees. Ayon sa pamahalaan ng Turkey, inako ng Al Qaeda at ng isang Turkish Islamic militant group ang pagbombang naganap noong Huwebes.

Kahit kailan ang mga teroristang gawain ay walang puwang sa ating mundo at lipunan. Ang karahasang hatid nito na kumikitil sa buhay ng mga inosenteng sibilyan ay hindi kailanman maitutuwid ng kahit anong ipinaglalaban.

Muli, nakikita natin ang totoong anyo ng terrorismo at karahasan. Malaki at malawak ang problemang ito na patuloy na susubok at susukat sa katatagan at kapayapaan ng bawat bansa at sa international community.

Ang mga grupong nasa likod ng ganitong uri ng gawain ay nararapat na tugisin at parusahan sa kanilang walang pakundangang pagpatay at pagsira ng mga ari-arian. Ang kanilang pagwalang-bahala at pagpapahalaga sa buhay ng kanilang kapwa ang magpapatunay na talagang walang puwang sa ating sibilisadong lipunan ang ganitong uri ng mga grupo. Kung ano ang sidhi ng ating pakikiramay sa mga biktima ay ganoon din ang sidhi ng ating pagkamuhi sa mga taong nasa likod ng kalunus-lunos na gawaing ito.

AL QAEDA

AYON

BRITISH CONSUL-GENERAL

HONG KONG SHANGHAI AND BANKING CORP

HUWEBES

KAHIT

LEVENT

ROGER SHORT

TURKISH ISLAMIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with