^

PSN Opinyon

Matulungin at makatao ang 2 taga-embassy

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
PINASASALAMATAN ng mga kuwago ng ORA MISMO, sina Felipe Carino III, 3rd Secretary at Vice Council sa Philippine Embassy sa Japan at Larry Sumando, Philippine Embassy Attache, dahil sa pagtulong at makataong pagtrato nito sa mga entertainers sa Japan na may iba’t ibang problema.

Natutuwa ang Chief Kuwago sa balitang ipinarating ng mga kuwago ng ORA MISMO, na kasalukuyang nasa Japan dahil sa pagpapakita ng magandnag ehemplo ng makataong pagtrato sa ating mga kababayan.

May mga kapamilya kasi ang mga kuwago ng ORA MISMO, na nagta-trabaho sa Japan ang nawalan ng passport dahl ninakaw ito. Ibinida ng mga kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa Chief Kuwago ang mabilis na aksyon at tulong na ginawa nina Carino III at Sumando sa kanila.

Ganitong klaseng mga tao ang dapat natin ipagmalaki hindi pabaya sa tungkulin kahit na mga taong mahihirap ang kanilang nakakausap. Trabaho at tulong lang ang kanila. Walang money involved sa ginawang pagtulong nina Carino III at Sumando sa ating mga entertainers na nawalan ng passport.

Iba pala sila, DFA Secretary Blas Ople, Your Honor!

May mga iba kasing kamote diyan na imbes na tulungan ang ating mga Overseas Contract Workers ay binabakalan pa. Iyong iba naman ay binubulyawan ng mga pa-bright-bright sa Embassy. Ang iba naman ay ginagawang tanga, kaya ang mga pobre biktima ng matitinding problema ay nadadalang magpunta sa Embahada ng Pinas para humingi ng tulong.

Mabuhay kayo Carino III at Sumando! Kayo ang kailangan ng ating mga kababayan.

‘‘Talaga bang tinulungan nina Carino III at Sumando ang kapamilya ng mga kuwago ng ORA MISMO na nagkaroon ng mala- king problema sa Japan?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sobra-sobra ang ginawang tulong!’’ sagot ng kuwagong ago-go dancer.

‘‘Sana huwag magbago sina Carino III at Sumando sa kanilang ugali.’’

‘‘Totoong tao kasi ang dalawa kaya hanga tayo sa kanila.’’

"Pagpalain kayo ng Diyos Carino III at Sumando.’’

‘‘Ganyan kamote kapag nakatulong at may magandang nagawa pupurihin natin pero kapag palpak upakan ng todo.’’

‘‘Diyan korek ka, kamote!’’

CARINO

CHIEF KUWAGO

DIYOS CARINO

FELIPE CARINO

III

KUWAGO

LARRY SUMANDO

OVERSEAS CONTRACT WORKERS

SUMANDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with