^

PSN Opinyon

Libro o latigo kontra droga

SAPOL - Jarius Bondoc -
NAGDUDUDA na ang ilang eksperto at pinuno sa United States kung mananalo sila sa drug war sa South America. Dalawang dekada na nila sinusuportahan ang mga militar at bilyun-bilyon dolyar na ang ibinuhos. Pero imbis na mapawi ang drug cartels, patuloy silang nagtatanim ng coca at nagpupuslit ng cocaine sa US. Lumala pa nga ang salot. Nu’ng una, sa Colombia lang may drug cartels; kumalat na sila sa mga karatig-bansang Ecuador, Bolivia, Costa Rica at Venezuela.

Napansin ng mga eksperto’t pinuno na bumababa ang drug cartels tuwing may umaangat na Presidenteng malinis at matapang. Halos ubos na ang mga sindikato sa Venezuela at Bolivia dahil umangat sina Hugo Chavez at Gonzalo Sanchez de Lozada bilang Pangulo. Halos napalayas ang cartels sa Colombia tungong Ecuador at Costa Rica dahil kay Alvaro Uribe. Laganap ang cartels sa Ecuador at Costa Rica dahil niluklok nila ang narcopoliticians sa Panguluhan at Kongreso.

Pero heto ang sisti. Maraming mamamayan ang umaasa sa ilegal na droga para sa kabuhayan. Sila ang mga nagsasaka ng coca, nagpo-process at nagde-deliver sa ports. Kapag pinabagsak ang cartels, wala silang trabaho. Mabagal ang gobyerno sa pagbigay ng bagong uri ng kabuhayan. At kung wala silang pera, naaapektuhan din ang may-ari ng tindahan, ang banko, ang nagtitinda ng isda, ang nagre-repair ng traktora at iba pang mga umaasa sa kanilang pagtangkilik.

Kapag bumagsak ang mga lehitimong negosyo, kaliwa’t kanan na ang rallies. Muntik bumagsak si Chavez sa matagal na welgang-bayan. Nag-resign si de Lozada sa gitna ng kaguluhang pinondohan ng drug lord na si Evo Morales. Tinalo sa referendum ang mga patakaran ni Uribe.

Bukod sa mabagal na pagtulong sa mga umaasa sa drug trade, mahina ang sistemang edukasyon sa Latin Amerika. Hindi naipupukpok ang magagandang-asal at makabagong kaalaman sa hanapbuhay. Pasya ngayon ng mga eksperto’t pinuno, ibuhos na lang sa educational aid ang bilyun-bilyong inuubos sa drug war. Gayahin sana natin ito.

ALVARO URIBE

COSTA RICA

DRUG

EVO MORALES

GONZALO SANCHEZ

HUGO CHAVEZ

KAPAG

LATIN AMERIKA

LOZADA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with