^

PSN Opinyon

Mga-ingat sa squatting syndicate (Huling Bahagi)

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
AYON sa report ng National Task Force on Professional Squatting and Squatting Syndicates may mga kaso na sa Korte laban sa mga sumusunod na grupo ni Henry Rodriguez at Willy Torres. Sa desisyon ng Korte Suprema ay pinawalang-bisa na rin ang Titulo Propriedad No. 4136 na ginagamit ng grupo ni Don Mariano Esteban.

Patuloy ang pagkilos ng Task Force na nabanggit na kinabibilangan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Housing and Urban and Development Coordinating Council, Department of Justice, Presidential Commission for the Urban Poor, Department of the Interior and Local Government, Department of Environment and Natural Resources, Philippine National Police, National Anti-Poverty Commission, National Bureau of Investigation, Land Registration Authority at Office of the Solicitor General upang matukoy ang iba’t ibang sindikato na nanloloko sa ating mga kababayan.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pag-iimbestiga sa napapaulat na mga operasyon ng squatting syndicates sa North Fairview, Cavite, BCDA property (Makati at Taguig) at Pasig.

Humihingi kami ng tulong sa publiko upang mabigyan n’yo kami ng impormasyon tungkol sa mga gawain at operasyon ng mga sindikatong nagsasamantala sa kawalan ng kaalaman ng mga kababayan natin upang kumita ng limpak-limpak na pera. Hindi biro ang mga panlolokong isinasagawa ng mga sindikatong ito dahil sa laki ng mga halagang kinukubra nila sa kanilang mga biktima at sa lawak ng mga lupaing kanilang binebenta na base sa mga pekeng titulo.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF JUSTICE

DON MARIANO ESTEBAN

HENRY RODRIGUEZ

HOUSING AND URBAN AND DEVELOPMENT COORDINATING COUNCIL

KORTE SUPREMA

LAND REGISTRATION AUTHORITY

NATIONAL ANTI-POVERTY COMMISSION

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with