^

PSN Opinyon

Proyekto para sa mga street children

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAKAIBANG gimik ang inilunsad ng Millicent Foundation at Rotary Club of Parañaque, Metro Manila sa hangad nilang makalikom ng karagdagang pondo para sa mga proyekto nila sa mga batang lansangan, maysakit at biktima ng pang-aabuso. Sa pamumuno ni actress-social worker Marissa del Mar, nagsagwa sila ng Dance for a cause kamakailan sa Grand Ballroom ng Dusit Hotel sa Makati City na dinaluhan ng mga tao sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Bago magballroom dancing ay nagpalabas ng mga film clips ng mga outreach programs nina Marissa sa mga batang may hydrocephalus, mga malnourished, mga bingot, may glucoma at iba pang karamdaman. Ang benefit dinner-dance ay isa lamang sa mga proyekto sa taong ito ng public service foundation nila Marissa del Mar na siya ring host ng TV show ‘‘UPCLOSE and PERSONAL’’ sa IBC-13 tuwing Martes, 11 p.m.

Si Senator Robert Barbers ay ilan sa mga dumalo sa okasyon. Naroon din si dating Senator Rene Saguisag na mahusay sumayaw; si Dr. James Dy ng Phil. Chinese Chamber Hospital; Gov. Jose L. Cortez ng Rotary International District 3830; Ms. Natalia Casibang, presidente ng RC Parañaque; Justice Presbeterio Velasco Jr., Architect Nestor Mangio ng Lakeshore Estate-Pampanga; Noel at Eileen Gonzales ng Muebles Italiana; Mr. & Mrs. Jovencio Torres, Delia at Jun Dalaygon, mga kawani ng Brittanny Sidney ni Liza Schneider Realty, DOT Sec. Leandro Mendoza, DAR Sec. Roberto Pagdanganan, Housing Sec. Michael Defensor at marami pang socio-civic minded citizens na nakiisa sa tagumpay ng proyektong ito na pangkawanggawa.

ARCHITECT NESTOR MANGIO

BRITTANNY SIDNEY

CHINESE CHAMBER HOSPITAL

DR. JAMES DY

DUSIT HOTEL

EILEEN GONZALES

GRAND BALLROOM

HOUSING SEC

JOSE L

MARISSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with