Kulang kaya ang allowance na ibinibigay ni Atienza kay Bgy. Chairman Malig?
November 14, 2003 | 12:00am
NAGBUKASAN ang pasugalan sa Maynila at siyempre balik na rin ang mini casino diyan sa lugar ni Chairman Victor Malig, ng Barangay 426 Zone 43 sa Paltoc, Sta. Mesa. Mukhang hindi kasya ang allowance at tulong na ipinamudmod ni Manila Mayor Lito Atienza kay Malig kayat minabuti na lamang niyang magbakasakali sa pasugalan o video karera ni Buboy Go, ang hari ng makina sa Maynila. Matigas talaga ang ulo ni Malig dahil maraming beses na nating ibinulgar ang mini casino sa lugar niya pero nalingat lang tayo eh balik na naman ang mga makina sa lugar niya. At para lumaki ang kita niya, aba dinagdagan ni Malig ang bilang ng makina sa lugar niya mula lima hanggang pito na sa ngayon, he-he-he! Tabo sa ngayon si Chairman Malig diyan sa Paltoc, di ba mga suki?
Siyempre, tulad ng dati, ang locator ni Buboy Go sa Paltoc ay si kagawad Teofilo dela Cruz samantalang ang coins out collector naman ay si Sheryl dela Cruz na isang barangay tanod. Kung tig-P300 kada makina ang kita nina Teofilo at Sheryl bawat linggo aba tumataginting na P2,100 ito sa pitong makina, di ba mga suki? At si Chairman Malig naman ay P500 bawat makina kayat maliwanag na P3,500 kada linggo ang tabo niya. Habang masagana naman ang pamumuhay nina Teofilo, Sheryl at Chairman Malig, dumadami na rin ang bilang ng adik sa Paltoc. Papayag ka ba niyan Mayor Atienza, Sir?
Kung sabagay tulad ng dati, hindi makikialam si Mayor Atienza dahil sa pangambang maapektuhan ang tsansa niya sa darating na eleksyon. Kayong mga pulitiko talaga, dapat huwag nyong tularan si Interior Sec. Joey Lina na walang bayag kung pasugalan ang pag-uusapan, di ba mga suki?
Ang mga makina ni Buboy Go ay matatagpuan sa ngayon sa bahay nina Jon-Jon Vericio ng 3479 Interior 9; Sheryl dela Cruz sa 3479 Int. 13; Gamby at Annie Constantino sa 3479 Int. 24 Bobboy Ganadin sa 3479 Int. 31; Mila Nosis sa 3479 Int. 34; Alex Dolot sa 3479 Int. 12 at Aning Garcia sa 3479 Int. 29 lahat sa Paltoc nga.
Mukhang hindi natanggihan ng pitong nilalang ang 20 porsiyento na ibinibigay ni Buboy Go sa kanila kayat pilit nilang inilatag ang mga makina sa bahay nila. Namantikaan na rin kaya ang nguso ni Station 4 Chief Supt. Manolo Martinez nitong mga makina ni Buboy Go?
Ang akala natin mga suki, si Mayor Atienza ang nagpasara ng pasugalan sa Maynila nitong nagdaang mga araw, pero mali pala tayo ng nasagap na balita. Mukhang nagkaroon lang ng diperensiya sa collection ng intelihensiya kayat ipinasara nga ang pasugalan para ma-counter kung magkano talaga ang dumadating sa kaban ng bayan este ng matataas na opisyales ng Manila police nga. Pero sa ngayon, maayos na ang takbo ng tabakuhan sa Maynila kayat happy days are here again muli kina Buboy Go, Mayor Atienza at WPD officials nga. Wala na talagang patutunguhang maganda itong Maynila sa ilalim ng liderato ni Mayor Atienza? Natabunan ng kasamaan ng video karera ang magagandang proyekto ni Atienza na kung hindi siya kumilos at supilin ay baka pati kaluluwa niya ay kakainin na ng mga operator ng illegal gambling nga. Abangan!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest