Bukod sa mga miyembro ng NPD ay dapat ding purihin ang iba pang miyembro ng PNP at ang PDEA dahil sa mga sunud-sunod na huli ng grupong ito. Kahit paano ang mga tagumpay nila ay sumasalba sa ating mga kabataang nalululong sa bawal na droga.
Kung ating iisipin, kabayanihan ang ginagawa nila dahil bukod sa mababa ang suweldo nila ay buhay pa ang tinataya nila dahil tiyak malaking pera ang nawawala sa miyembro ng mga sindikato.
Hindi ito nagsilbing hadlang at sa nakita natin iba ang determinasyon ng grupong ito na dapat talagang kilalanin.
Kaso nga lang, dami na nilang huli pero bakit hindi maubos ang supply ng bawal na droga. Mukhang tuloy din ang pagpasok ng mga materyales sa paggawa ng droga at parang walang takot ang mga miyembro ng sindikato.
Para tuluyang matigil ang bawal na droga sa atin ay kailangan ang buong suporta at aksyon ni Madam Senyora Donya Gloria at si Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo.
Hindi maaari na papasyal lang si Madam Senyora Donya Gloria kung saan may huli ang mga awtoridad, papakuha ng litrato at tv footage at nagsasalita sa media pagkatapos ay aalis. Pang-press release lang yan Madam.
Ang kailangan ay ipakita ni Madam na hindi siya sunud-sunuran sa retirado ng ang KARDINAL SIN at ipatupad ang sentensiyang lethal injection sa mga kriminal lalo na sa mga taong sangkot sa bawal na droga.
Importanteng gawin ito ng Malacañang at maganda pa nga ay isang dayuhan ang gawing sample para magsilbing aral sa buong mundo na sa Pilipinas hindi tayo mag-atubiling ipatupad ang sentensiyang kamatayan sa mga drug dealer.
Tingnan niyo ang Malaysia at Singapore takot kahit sino na magpasok ng droga roon dahil hindi ka bibiruin at tutuluyan ka kahit na sino ang makiusap.
Si Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo naman ang dapat gawin ay utusan ang mga alipores niya sa Bureau of Customs na tigilan na ang walang humpay na smuggling, siyempre kasama na ang mga materyales sa paggawa ng shabu.
Ayaw nating maniwala, pero ang balita sa Aduana at pinagmamalaki pa ng mga smuggler ay protektado ni JOSE PIDAL ang mga kontrabando basta lang magbayad ng P150,000 kada container van. Walang bukasan ito, walang inspeksyon kaya madadali ang pagpasok ng mga materyales na ginagamit ng sindikato.
Yan ho ang dalawang malaking dahilan bakit tuloy ang walang takot na operasyon ng bawal na droga sa atin. Tiyak di-sasang-ayon ang Palasyo sa sinulat natin. Tiyak sasabihin nilang walang basehan at gaya ng sagot nila sa kaso ng JOSE PIDAL ay ilabas ang ebidensiya.
Meron hong ebidensiya, literal na napakarami, tingnan ang patuloy na pagpasok ng kontrabando na lantarang binebenta sa kalye na siyang dahilan ng pagbagsak ng ating local na industriya at pumapatay sa ating mga magsasaka at manggagawa.
Eto pa ang mga dagdag na ebidensya, laganap pa rin ang droga at alam ng sambayanan kung gaano karami sa ating kabataan ang tuloy na nasisira at nalululong sa bawal na gamot.
Madam Senyora Donya Gloria at Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo, kayo lang ho ang tunay na makakapigil sa paglaganap ng droga. Sa isyung ito man lang ay tunay na aksyunan nyo dahil walang tigil ang pag-angat ng bilang ng krimen bunsod ng bawal na gamot.
Icnugal n p. villaruel ang buhay pra s atin sna nman gumicing n tyo. 09169594129; Kawawang pinoy legal ang corruption pag kakampi ni ATE Gloria PIDAL, patay o baon sa kaso pag kalaban tulad ni Col. Villaruel at Ping Lacson. 09183538585;
Davide at jose pdal case tpos na pro kuratong case tpos n pro binubuhay pa. 09196493956; Kahit anong sama ng isang tao dpat patawarin lalo n kung suko na ktulad ni villaruel, dpt bnigyan cya ng pagkktaon pra msabi nya kng bkit gnawa nya ang ganon. 09197609288;
Villaruel pntay pr tumahimik na at di mkpgsalita. Davide impeachment pntay n rin pr d n maimbestighn, ekonomiya pnptay ng mga ekonomista ky mrmi png llbas n k2ld ng mga mgdlo. 09228028662; Cndyang pthmkin c villaruel pra hnd mbulgar ang bho ng gbyrno n Gloria. 09203934824;
Alam mo kung di napatay ang mga siraulo na mga yun (villaruel and co.) marami na namang inosente ang napahamak. 09169297154; Bkt po pagnagccwalat ng baho ng pamahalaan pnptay kaagad dppat cla n ang patayin kc mga corrupt cla. 09202619585;
Nkkta nyo ang mali ng mga bumaril kay villaruel pro ang mali nya hndi. D end does not justify the means. 09206225585; Kng ano2 slat mo lban arroyo govt gulo 2loy pinas. 09192477751.