^

PSN Opinyon

Brokers at importers,nabulabog sa Customs

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGULANTANG ang mga importador at brokers sa Bureau of Customs nang hindi palabasin ang mga containerized vans sa mga Puerto ng BOC dahil nabuko na hindi pala tama ang binabayarang buwis ng mga kamote rito.

Kaya bagsak ang revenue collection!

Hayun at nag-iiyakan ang mga gago!

Halos lahat ng brokers ay umistambay sa iba’t ibang customshouses noong Huwebes at Biyernes ng whole day para alamin ang malaking problemang ibinigay sa kanila ng ilang officials ng Customs sa Central Office.

Lahat ay pinagbabayad ng tama sa kanilang mga shipments.

Ika nga, additional duties and taxes ang nangyari.

Napupunta kasi sa bulsa ng ilang bugok sa customs ang dapat sa gobyerno kaya hayun dapa ang koleksyon.

Hindi ito bago sa bureau matagal na itong nangyayari ang para sa gobyerno ay sa bulsa ng mga bugok napupunta.

Kaya nga matitindi ang lifestyle ng ilan sa kanila.

Tingnan mo ang mga sasakyan imported vehicles, naglalakihan ang mga bahay, nasa US of A nag-aaral ang mga anak at ang mga alahas maluluma ang kadena ng barko sa mga bugok na nagsusuot nito.

Noon pa ay undervalue na ang labanan sa bureau kaya nga may for the boys ang mga hunghang dahil kung itatama ang bayad para sa government tiyak nakatiwang-wang sa langit ang mga kurap.

Tulad ng mga bugok sa Subic Customshouse, Batangas, POM at MICP.

Nagtataka naman ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit ngayon lang ginawa ang ganitong sistema sa mga importers/brokers.

Kayang-kaya kasing i-drawing ng customs ang kanilang collection?

Para itong mga pigoy, nanghihingi ng huli sa kanilang mga kontak.

‘‘Ibig mong sabihin natataranta ang mga importers/brokers ngayon sa customs?’’ tanong ng kuwagong urot.

‘‘Oo, kasi bayad sila ng tama sa gobyerno,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Ok lang naman sa mga brokers/importers ang magbayad ng tama. Ang problema ay kung papayag ang mga bugok sa customs sa sistemang ito na wala silang delihensiya.’’

‘‘Noon pa kasi ito nangyayari parang sakit na cancer ito kaya mahirap gamutin.’’

‘‘Simple lang iyan, kamote, sibakin mo sa puwesto ang mga katulad nina Egay Lanzones ng Batangas at Lt. Polipoly ng Subic tingnan mo at gaganda ang koleksiyon sa mga ports na ito,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Commissioner Tony Bernardo bakit nga pala hindi mo gawin.’’

BATANGAS

BIYERNES

BUREAU OF CUSTOMS

CENTRAL OFFICE

COMMISSIONER TONY BERNARDO

CRAME

EGAY LANZONES

KAYA

SUBIC CUSTOMSHOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with