Tanong para maging miyembro ng Pag-IBIG
October 29, 2003 | 12:00am
Dear Sec. Mike Defensor,
Mayroon kaming grocery store ng aking mga kaibigan. Ang aming samahan ay pinarehistro bilang partnership. Mayroong 15 tao na nagtatrabaho sa aming negosyo. Pinamiyembro na namin sila sa Social Security System at sa Philhealth. Maari ba silang maging myembro ng Pag-IBIG? Bilang mga nagmamay-ar, maaari rin ba kaming maging miyembro ng Pag-IBIG?
May Francisco, Cainta
Sa ilalim ng batas, ang bawat employer, single proprietorship, partnership o korporasyon ay obligado na iparehistro bilang miyembro ang kanilang mga empleyado sa Pag-IBIG at magbayad ng kaukulang porsiyento dagdag doon sa buwanang kontribusyong kakaltasin nila sa sahod ng kanilang mga empleyado. Ang sinumang lumabag nito ay mapaparusahan. Ang pagiging miyembro ng Pag-IBIG ay karapatan ng bawat manggagawa.
Sa mga nagmamay-ari, maari rin silang maging miyembro ng Pag-IBIG sa ilalim ng voluntary membership program nito. Humingi lamang po kayo ng membership form sa Pag-IBIG Office na pinakamalapit sa inyo. Sa karagdagang impormasyon, tumawag po kayo sa trunkline tel blg. 8114-401 sa karagdagang impormasyon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended