Ang mga batang may 'ADHD'
October 26, 2003 | 12:00am
ISA sa bawat 20 bata ay may ADHD o Attention Deficit Hyper-activity disorder. Ito ay isang behavioral health condition na nagiging problema ng buong pamilya.
Ang mga batang may ADHD ay may above-average intelligence levels. Malimit itong matagpuan sa mga batang pitong taong gulang.
May tatlong klase ng ADHD. Ang mga batang may hyperactive ADHD ay sobrang maingay. Ang mga batang may inattentive ADHD ay may guilt behavior at ang mga batang may combination ADHD ay maingay at tahimik. Mas madaling makilala ang hyperactive ADHD dahil ang mga ito ay mas aktibo kaysa ibang bata na kasing edad nila. Silay hindi mapakali. Galaw sila nang galaw na parang mga kiti-kiti. Kapag silay nakaupo ay gusto nilang lumundag. Tumatakbo sila at umaakyat sa mga lugar na hindi nila dapat na puntahan at silay magulo at parang nabubulol, at hindi maintindihan ang sinasabi sa pagsagot sa mga tanong ng kanilang titser.
Hindi dapat parusahan ang mga batang may ADHD manapay dapat na unawain sila. Kapag maagang na-diagnose, magiging matagumpay ang paggaling nila. Kung hindi sila magagamot magkakaroon sila ng serious adult problems gaya ng depression, substance abuse, problema sa trabaho at pakikipagkapwa-tao.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended