Top brass sa Agriculture inireklamo ng pangongotng
October 25, 2003 | 12:00am
NASA Ombudsman ang kasong graft na isinampa kina Agriculture Secretary Luis Lorenzo Jr. at apat na alipores nito.
Ang kaso ay kaugnay umano sa pangongotong sa mga negosyante na may transaksyon sa Department of Agriculture. Hindi raw kumilos si Lorenzo kahit na may reklamo ang mga negosyante sa kanya sa ginawang pangongotong ng big 4. Kaya napilitan ang mga negosyante na magsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman.
Bukod kay Lorenzo, ang mga kinasuhan din ay sina Anti-Smuggling Task Force bossing Benjie Angeles, Jesus Varela, Assistant for Finance, Benjamin Tabios, Special Assistant for Legal Matters, Special Concerns Assistant Jose Macaspac III.
Ginigipit umano ng Big 4 ang iba pang legitimate businessmen na may business transaction sa DA. Una raw tumanggap ng pitsa ang Big 4 ng P4.9 million in cash samantala ang P1.9 million ay nasa tatlong tseke.
Matindi ang naging akusasyon nina Henry O at Chino Marquinez, prez ng Consumer Union of the Philippines. Si Atty. Bonifacio Alentajan, ang abogado ni Henry O. Siya rin ang nagsampa ng kaso sa Ombudsman laban sa mga top brass officials ng Department of Agriculture. Humihingi pa umano ng dagdag ang Big 4 ng P5 million para sa facilitation fee para makapasok sa Pinas ang mga gulay na galing China.
"Matindi pala ang bilihan ng import permit sa DA kung totoo man ang mga akusasyon," anang kuwagong pulis na naglalanggas ng sariling galis.
"Wala kayang ginawa si Lorenzo tungkol sa reklamo sa kanyang mga bata?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Kaya nga isinama siya sa kaso dahil walang aksyon daw ito."
"Kinukunsinti kaya niya?" tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Alam mo bang saksakan ng yaman si Lorenzo kaya imposibleng mangurap ito?"
"Hindi naman siya ang nangingikil di ba?"
"Hintayin na lamang natin ang desisyon ng Korte hinggil sa mga akusasyon ng mga nagreklamo."
"Tama ka dyan!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest