^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Katotohan ang hanap kay Davide

-
DAPAT makita ng taumbayan ang nakabalot na isyu kay Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr. Kung walang nagagawang kamalian, bakit hindi harapin ang akusasyon laban sa kanya. Ipagtanggol ang sarili sa impeachment complaint na inihain sa kanya nang may 88 kongresista. Linisin ang pangalan sa pagkakataong ito. Ikalawa na ang impeachment complaint na inihain kay Davide. Ngayon ay mas mabigat ang complaint sapagkat suportado nang napakaraming kongresista. Hindi maaaring balewalain ni Davide ang mga akusasyon.

Kinukuwestiyon si Davide sa P762 million iregularidad sa disbursement ng Judiciary Development Fund (JDF). Kuwestiyunable kung saan napunta ang malaking pondo. Ayon sa complaint, kaduda-duda ang pagpapa-renovate ng Supreme Court building, ang construction ng bakasyunanng bahay ng mga justices sa Baguio City at ang acquisition ng mga mamahaling sasakyan at ang subsidy sa Court of Appeals printing press. Kasama rin sa reklamo ang underpaid na mga judiciary employees na nagkakahalaga ng P527.8 million.

Subalit ayon kay Davide walang katotohanan at basehan ang complaint sa laban. May bahid umano ng pulitika ang isinampang reklamo sa kanya.

Nahaharap sa kaso ang taong nag-preside sa impeachment trial ni dating President Joseph Estrada may tatlong taon na ang nakararaan. Katiwalian ang pinag-ugatan noon kay Estrada at ngayon may bahid din ng katiwalian ang iimbestigahan. Nanguna sa pagpirma si Tarlac Rep. Gilberto Teodoro Jr. (principal complainant) at si Camarines Sur Rep. Felix Fuentebella (second principal complainant).

Katiwalian ang lagi nang pinag-uusapan sa bansang ito. Kabi-kabila ang pangungurakot sa maraming departamento ng pamahalaan. Pera-pera ang labanan. Kahit na may kampanya ang pamahalaan laban sa corruption hindi pa rin lubusang madurog ang corruption. Patuloy pa rin at walang takot sa pangungurakot. Naglunsad ng "lifestyle checks" subalit balewala rin sapagkat masyadong malambot ang ngipin ng nagpapatupad.

At ngayon nga pati ang chief justice pala ay may mga itinatago ring misteryo. Ang pinagpipitaganang pinuno ng mga justices ay iimbestigahan dahil sa pera. Walang ibang magagawa si Davide kundi sundin ang batas. No one is above the law. Humarap siya sa impeachment trial at ipagtanggol ang sarili. Kung walang kasalanan walang dahilan para hindi isubmit ang sarili sa imbestigayon. Ang taumbayan ay matagal nang naghahanap ng katotohanan. Dapat makita ng taumbayan ang katotohanan sa isyung nakabalot kay Davide.

vuukle comment

BAGUIO CITY

CAMARINES SUR REP

COURT OF APPEALS

DAVIDE

FELIX FUENTEBELLA

GILBERTO TEODORO JR.

JUDICIARY DEVELOPMENT FUND

KATIWALIAN

PRESIDENT JOSEPH ESTRADA

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with